Kabanata 6

381 23 12
                                    

Kabanata 6

Waste

"Malapit ko nang ipasara ang Cavura."

Halatang sinadya ni Laurel na lakasan ang boses niya para marinig ko siya't mamroblema rin ako. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng lipstick sa labi ko at nagpatay-malisya na lamang.

Kasalanan ko bang 'di naman siya gumagawa ng paraan para i-advertise man lang 'tong establisyemento niya? At kasalanan ko bang winawaldas niya ang pera niya sa luho niya? This was waiting to happen!

Eksaherada siyang bumuntong-hininga. "Hay! Sana umulan ng pera!"

"Hay!" Ginaya ko ang pagbuntong-hininga niya. "Sana umulan ng disiplina at matuto naman ang iba diyang magtipid-tipid!"

Mula sa counter top ay naglakad siya patungo sa inookupa kong lamesa't umupo sa kaharap kong couch. Ibinaba ko ang compact powder ko bago siya sinalubong ng sarkastikong ngiti. She grimaced at me.

Kailanma'y hindi kami nagkasundo ni Laurel. Dapat ay umaakto siyang ina ko lalo na't apelyido niya ang dala-dala ko pero wala akong memorya na ginawa niya 'yon. She forced me to work at thirteen and even taught me all the flirting tactics that I knew now. Siguro kung 'di ko siya nakilala, 'di naman ako naging ganitong klaseng babae ngayon.

Don't get me wrong, I had made peace with myself and I was also more than grateful to her and her ex-husband for adopting me but sometimes, I wished she treated me like her real daughter since after all, she legally adopted me. But I guess, that's just too much to ask, right?

"Sunny," simula niya sa mariing tono, "tanggapin mo na kasi 'yong trabahong inaalok ko sa 'yo." Hinilot niya ang dulo ng mga kilay niya't sumandal sa backrest. "Maiaangat mo ang buhay natin 'pag ginawa mo 'yon. Yayaman ka! Yayaman tayong lahat!"

Tumikhim ako. "Ayoko."

"Bakit?" She looked at me with eyes glinted with frustration. "Ikaw lang ang pwedeng makagawa no'n! Walang butas ang storya mo!"

"Ilang beses ko bang sasabihing ayoko?" Inis ko siyang inismiran. "Oo, malandi ako. Oo, cheap ako. At oo, ginagamit ko ang ganda't katawan ko para magkapera." I stared back at her with scathing eyes. "Pero kahit ganito ako, totoo ako, Laurel! At anong gusto mong gawin ko—"

"Magpapanggap ka lang namang nawawalang apo ni Cordelia Casagrande!"

My mouth dropped open in disbelief. How could she say that like it's not a big deal? Kapag nabulilyaso kami, ako ang makukulong! That's downright identity theft!

"Kasing edad mo ang apo niya't pasok na pasok ang mukha mo sa lahi nila!" Nangungumbinsi niya akong tinignan. "Ito na ang pag-asa natin, Sunny! Hanggang ngayo'y wala pa ring usad ang paghahanap sa apo niya kaya kapag pinakilala kita at natanto niyang perpekto ang storya mo, paniguradong papaboran ka niya!"

I scoffed. "At 'yong DNA test?"

"Pwede ko 'yong pekein!" Lumiwanag ang mukha niya sa pag-aakalang interesado na ako. "May dine-date ako ngayong doktor sa LFMC at matutulungan niya tay—"

Tumayo ako. That called the shots. I didn't want any more misery nor chaos in my life. Isa pa, alam ko namang may agenda si Laurel kaya niya ako pinipilit na magpanggap.

She wasn't only doing this for us, no, she was a smart yet pretentious bitch who only cared about herself, her caprices, and her sex life. This wasn't about us. This was about her.

Nagsasalita pa rin siya pero bingi na ang buong sistema ko. I glanced at the roadway outside and heaved a sigh of relief when Ico's black Raptor parked in front of Cavura. Kinuha ko na ang mga gamit ko at saka lumabas ng entrance, 'di alintana ang naghahabol na mga yapak ni Laurel sa likod ko.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon