Kabanata 31

261 11 2
                                    

Kabanata 31

Client

"I'll buy her for one million. Dollars."

Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang bid ni Ico. Hindi ako makapaniwala. Kahit ang mga bidders sa silid ay punong-puno ng pagtataka. Napatawa ng kaunti 'yong lalaking naunang mag-bid kay Ico. Akala niya siguro'y nagbibiro lang ito.

But I knew better than to associate Ico with fucking around. Alam kong seryoso ito, lalo na nang maramdaman ang talim ng titig niya sa akin. Para akong ipinapako sa krus dahil sa tingin niya. I know it's weird, but it felt like that. 

Nagulat na lang ako nang maglakad siya papunta sa entablado kung nasaan ako. He grabbed my wrist and got me out of there. Pagkalabas ng pinto ay narinig ko ang pagpapatuloy ng emcee sa loob. Ico just pledged a million dollars for me! I was still too shocked to react, kaya nagpatianod na lang ako sa kaniya. Nang makalabas na sa country club ay 'tsaka ko lang nahanap ang inaalagaan kong tapang at galit sa kaniya. 

Gusto kong hablutin ang kamay ko mula sa kaniyang pagkakahawak, pero may mas maganda akong ideya. This bastard! Pamilyado na pero nakuha pa ring mag-bid ng babae! Ano, hindi siya kuntento kay Hazel? Takot siyang panindigan ang pagiging ama? Maybe he wants to feel like a bachelor again, kaya siya nandito at nagpapakabata ulit!

"Pasok," utos niya nang makarating kami sa tapat ng kaniyang sasakyan.

I looked at his old Raptor. Ito 'yong gamit niya noon. May bago iyong mga accessories pero tingin ko'y masyado nang luma iyon para sa kaniya. Tinapunan ko siya ng tingin. What the hell?! Kaya niyang mag-bid ng isang milyong dolyar, pero ang bilhan ang sarili niya ng maayos na sasakyan, 'di niya magawa?

Imbes na ipakitang inis na inis na 'ko sa mga desisyon niya sa buhay ay pilya ko na lang siyang nginisihan. His eyebrows furrowed, suspicious of what I was up to now.

"Okay," I sensually said. Hinawakan ko ang braso niya kaya naramdaman ko ang muscles niya roon. His arm felt so hard against my soft hand. "Pero saan ba tayo, Sir? Sa hotel ba? I'm fine with that, just not the one that the Casagrandes own kasi banned ako roon." I chuckled.

"What are you saying?" aniya sa matigas na Ingles. "I'm taking you home. Uuwi ka na."

"Oh. Gusto mo sa apartment ko tayo? But the walls are thin there, Sir. Baka may makarinig. Medyo maingay pa naman ako."

His eyes turned into slits. Mas lalong lumawak ang ngisi ko dahil alam kong iritado na siya. What now, Ico? Napagtanto mo na ba kung ano 'tong pinasok mo? You are literally jeopardizing your relationship with Hazel and your soon-to-be baby for what? For a one-night stand with me? I wanted so bad to make him realize his mistakes, to show him that I was a downgrade compared to the classy and accomplished Hazel Valderrama.

"The fuck are you talking about?" Sinulyapan niya ang kamay kong marahang hinihimas ang braso niya. He licked his lower lip and shoved my arm away. Pansin ko nga lang na parang ayaw niyang alisin ang kamay ko roon. "I am taking you home," he continued and looked at me.

Sinuklian ko ang mariin niyang titig ng nakakapang-akit na tingin. "Well it's up to you, Sir. Iniisip ko lang na baka sabik ka kasi isang milyong dolyar talaga ang bid mo sa 'kin. You can claim your one night with me anytime you want, though. But are you really okay with not sleeping with me tonight?"

Alam kong kaunting kalabit na lang ay mawawala na ang natitira niyang pasensya. Why is he so patient... and gentle, anyway? Kahit 'yong paghila niya sa 'kin kanina palabas ng bidding room, malambot at kakikitaan ng pag-iingat. Ano? Ayaw niya bang magalit ako sa kaniya para submissive ako sa lahat ng gagawin namin ngayong gabi?

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now