Kabanata 45

315 12 8
                                    

Kabanata 45

Huli

Katatapos ko lang sa ginagawa kong trabaho nang mag-ring ang door bell. Isinara ko ang aking laptop at bumaba na mula sa ikalawang palapag ng summer house. Maga-ala-una na ng umaga.

"Ico!" I beamed when I opened the door. Hindi pa siya nakakasalita ay sinunggaban ko na siya ng isang mahigpit na yakap. "Na-miss kita!"

Bahagya siyang naestatwa bago natatawang ipinulupot ang kaniyang mga kamay sa akin upang mayakap ako pabalik. 

"Damn. Every man should get a welcome home like this."

Tumalon-talon ako habang yakap pa rin siya. "I miss you! I miss you! I miss you!"

Pagkalapag na pagkalapag namin sa La Fortuna noong Lunes ay agad siyang kinailangan sa ospital. Sa apartment ako natulog habang dito naman siya sa summer house umuwi kasi nandito ang mga damit niya. Ngayong Sabado lang nagkatagpo ang schedule namin. He had a 48-hour shift before this.

Umakyat kami sa kaniyang kwarto. I wore my favorite lingerie under my pajamas tonight because I missed him so much, and I wanted to be as close to him as humanly possible. Iyon nga lang, mababakas ko sa kaniyang mga mata ang pagod. He looked older than the last time I saw him.

Pasalampak siyang humiga sa kama, suot pa rin ang kaniyang scrubs. Sa totoo lang ay bahagya akong dismayado kasi naghanda ako para sa pagkikita naming ito. I spent so much time in the bathroom earlier to make sure every inch of my skin was smooth and moisturized. 

But then, although sex with him was always good, it's not why I entered this relationship.

"Are you okay?" nag-aalala kong tanong.

Nasa-gilid ako ng kama naka-upo habang malambing na sinusuklay ang kaniyang buhok gamit ang aking mga daliri. He lifted a faint smile with eyes still closed. Hinanap ng kamay niya ang kamay ko. He intertwined our hands, finger by finger.

"I'm fine. Just tired."

Dumapo ang tingin ko sa kamay naming magkasalikop. He had beautiful, long and slender fingers. Gusto kong ialis ang kamay ko sa kaniya kasi sigurado akong medyo magaspang ang aking palad. Lagi kasi akong humahawak ng bakal. Nagha-handcream naman ako pero ewan ko kung gumagana ba iyon. 

Unlike mine, Ico's palm was as smooth as a baby. Nakakahiya namang makipag-holding hands sa kaniya kapag ganito.

He opened his eyes a bit before closing them again. "I know you're looking forward to some senseless fucking tonight, but I want to do it properly, and I can't when I'm this exhausted. Sorry. I'll make up for this tomorrow, okay?" 

Hinalikan niya ang likod ng aking kamay. Ilang sandali pa bago medyo bumagal ang kaniyang paghinga. I unclasped our hands and went to my room to look for my handcream. Bumalik ako sa silid ni Ico at saka sumampa sa kama.

"Baby, what are you doing?" He groaned when I reached for his hand and pulled it toward me. Ipinatong ko iyon sa hita ko.

"Shh. It's okay."

Nilagyan ko ng handcream ang kamay niya at saka minsahe iyon. I didn't know if it's even possible, but I could feel the tension and stress on his fingers. These were the fingers that saved so many lives. Hindi ko ma-imagine kung gaano kahirap iyong nakatayo siya sa operating room ng ilang oras at kontroladong nagpe-perform ng surgery. 

Nang matapos sa kanan niyang kamay ay ang kaliwang kamay niya naman ang minasahe ko. I used Iowa's technique and focused on his pressure points. He groaned a bit, like he could also feel the stress in his body dissipate. 

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now