Kabanata 27

364 10 1
                                    

Warning: R-18. 

-

Kabanata 27

Thought

"How's work?" bungad ko kay Ico nang makauwi siya sa summer house.

Panghuling gabi ko na 'to rito dahil kailangan ko nang maging hands-on sa birthday party ni Sab simula bukas. Hindi ko pa rin natatanong si Ico tungkol sa kasal namin kasi walang tiyempo kahapon 'tsaka maaga siyang umalis kaninang umaga. 

Sigurado akong wala siyang ideya tungkol doon dahil unang-una, masyado siyang abala upang makibalita. Pangalawa, mukhang wala naman siyang pake. I didn't think it'd be a big deal, anyway. Sinabi niya nang mahal niya 'ko! Kahit nga ikasal kami ngayon mismo, ayos lang sa 'kin, e!

"Fine," he said and kissed me on my forehead. Nilapag niya sa center table ng sala ang mga gamit niya bago umupo sa tabi ko. "I revived a person today."

"Ano?"

Niluwagan niya ang necktie niya. "It's not my first time, but it still feels nice to bring someone back to life. I've also been doing research about a certain case. Ipagpapatuloy ko mamaya. I think I'm close to a breakthrough."

Ang productive niya naman! E ako? Ang nagawa ko lang ngayong araw ay ang magbabad sa init at manood ng telebisyon! Kahit nga wala akong maintindihan sa Grey's Anatomy ay pinapanood ko pa rin sa pagbabakasakaling maka-relate ako sa kaniya. 'Yon nga lang, wala pa rin talaga akong maintindihan!

"You sure are busy, huh?" I pouted.

"Not too busy for you."

Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang mapaglarong tingin niya sa 'kin. Slowly, he unbuttoned his dress shirt and leaned toward me. Napasandal ako sa hand rest ng sofa. Palapit siya ng palapit kaya napapikit na 'ko. Maghahalikan ba kami? Shit! Dapat pala hinanda ko ang sarili ko!

Ilang segundo akong naghintay sa halik niya ngunit 'di 'yon dumating. I opened my eyes and the first thing I saw was his teasing smirk. Hawak niya na ngayon ang remote control ng TV. Pumula ang pisngi ko nang mapagtanto ang nangyari. Right! Kinuha niya lang 'yong remote!

"Ang gago mo."

"What?" patay-malisya niya.

"Buong araw akong naghintay sa 'yo tapos gaganituhin mo lang ako pagdating mo rito?" I faked a scowl to get back at him. Alam kong nag-aalburuto siya sa tuwing nagmamaktol ako. "My exes don't even think of doing this to me, tapos ikaw..."

"Hey..."

He tried to reach for my arm but I averted it from him. "Ewan ko sa 'yo!"

Personally, I don't condone the 'toyo-culture' that some of the girls my age seem to fancy doing. I think it's absurd. But then there's just something about Ico when he's forced out of his domain, when he's uncomfortable... and on edge. Kaya gustong-gusto ko siyang asarin, e. His face was priceless every time.

"Sunny," suyo niya. He encircled his arms around me. Mukha na tuloy akong nakakulong sa hawla ng mga bisig niya. "I was only playing with you. Why did you have to mention your exes? I don't mention mine when I'm upset."

"Because!" Wala akong madugtong kasi ang immature naman talaga no'n.

"Don't do that again. That's unfair. Naglalambing lang naman ako."

"'Di ka marunong maglambing."

He buried his face on the crook of my neck. "You can teach me."

Uminit ang pisngi ko. His hot breath against my neck and his arms around my waist aroused something inside me. Tila may mga paru-parong nagliparan sa loob ng tiyan ko. Before any worldly thoughts could devour me, kinalas ko na ang mga kamay niya sa 'kin. I snatched the remote from him and turned on the TV.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon