Kabanata 18

323 14 2
                                    

Kabanata 18

Bangle

Nagising ako sa amoy ng bacon at fried rice. Pagmulat ko ng mga mata ko ay natanto ko agad na nasa summer house ako. Rinig ang hampas ng mga alon mula sa silid ko at may scallop shells din na nakasabit sa rim ng bintana. Ang kurtina ay iniihip ng hangin kaya kitang-kita ang bughaw at kumikislap na dagat.

"Shit," bulong ko sa sarili ko.

Anong nangyari kagabi? 

Namilog ang mga mata ko nang bumaha sa isipan ko ang mga sinabi ko kay Ico sa loob ng kotse niya. What the fucking fuck? Did I just narrate my life story to him? And did I just admit that I was jealous and envious of Hazel Valderrama? Tangina! Nakakahiya!

"Hangover?" Ico asked when he saw me in the kitchen, searching for water. Naglakad siya patungo sa water dispenser 'tsaka nilapag sa harap ko ang isang baso ng tubig. "Here."

"Salamat," tipid kong wika.

Umupo ako sa upuang nasa harap ng counter top. Nakapangalumbaba ko siyang tinignan habang nagluluto siya. He was wearing an apron over his sando shirt. Dahil abala siya sa pagluluto ay wala siyang kaalam-alam na lumuluwa ang mga mata ko kakatitig sa biceps niya. What a gym rat! Kung 'di siguro 'to nag-aaral, nagw-work out naman!

Nilingon niya 'ko. "How do you like your eggs?"

"M-m-my eggs?" nauutal kong tanong, bahagyang gulat sa bigla niyang paglingon. His brows furrowed so I lifted a shy smile. "Uhm, scrambled."

"Scrambled it is."

He smirked, then his eyes slid down to my clothes. Bumaba rin ang tingin ko roon at saka ko natantong iba ang suot ko sa dress ko kagabi! I was still sleepy and in shock when I hurriedly came down so I didn't notice, but I was now wearing a T-shirt and it smelled like him! Mukhang mamahalin pa!

Holy shit! Did that mean that we...

"Nag-sex ba tayo?" buong tapang kong tanong.

Natigilan siya saglit bago ako pinaningkitan ng mga mata. He plastered a bemused expression but I was too anxious to find our topic embarrassing and funny. Ba't mukha siyang natatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Next time, sana i-inform niya 'ko para sabay kaming masaya!

"What do you think?" Mapaglaro siyang ngumisi.

Pumula ang pisngi ko. "I don't know! Kaya nga nagtatanong, 'di ba?"

He let out a loud bark of laughter that made me flush more. Parang awa naman! Ngayon pa talaga siya nagpaka-gago. I mean, fine, his laugh sounded music to my ears but when he does it to make fun of me, 'di na 'ko natutuwa!

Naughtily, he asked, "Are you feeling sore down there?"

"H-huh?" Namilog ang mga mata ko nang matanto ang ibig niyang sabihin. Bayolente akong umiling. "No?" patanong kong ani.

The fuck? Ang kalat, Sunny!

"You're not sure?" He arched a brow.

I shifted my weight and fidgeted my thighs to check if there's any aching sensation 'down there'. Wala naman, ah? Wait, why did that sound disappointed? Wala naman! Salamat sa Diyos!

"I don't feel anything..."

"Then we didn't have sex. If we did, you would've felt something."

What was he supposed to mean by that? Bastos talaga! I made a face and he laughed before he went back to cooking. Nakasimangot ako buong oras na nagluluto siya. I prepared the table when he was almost done and soon after he laid his dishes on the dining table, we finally started eating.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now