Kabanata 50

302 19 12
                                    

Kabanata 50

Where it Ends

Nagising ako nang maramdaman ang pagbalikwas ni Sunny sa aking tabi. Umayos ako ng hilig sa headboard ng kama bago kinusot ang aking mga mata. My eyes squinted when I saw her hastily putting on her shoes and then tying her hair. When my eyes darted at the clock across the bed, I saw that it was just a quarter to five AM.

"What happened?" nalilito kong tanong at saka tumayo upang lapitan siya.

Sinubukan ko siyang hawakan pero hinawi niya ang aking kamay. Nang magtama ang aming mga mata ay mababakas ko roon ang pagod at pagsisisi.

"Ico... I can't. It's too much."

"What are you talking about?" nakakunot-noo kong tanong.

She bit her lip and shook her head. I could see the hopelessness in her eyes. Para bang kahit gusto niyang magpaliwanag, hindi niya alam kung saan magsisimula. A knot formed below my ribcage when I realized what this was...

She was freaking out on me again.

Kumuyom ang aking panga. Malalim ang aking mga mata nang tignan ko siya, pagod at parang pinipiga ang puso kasi kahit alam kong mangyayari ito, hindi pa rin pala ako handa.

"How are you feeling?" I said, trying to sound calm.

I was about to check her temperature when, again, she shoved my hand away. Ayaw niya talagang hawakan ko siya. Frustrated now, I ran my fingers through my hair and darted my bloodshot eyes at her.

"I'm fine! S-stop caring about me," she said with trembling lips.

My eyes darkened. "You are my girlfriend. Of course, I care about you."

"W-wala na akong lagnat. Maayos na rin ang pakiramdam ko kaya... hindi mo na ako girlfriend. You said so last night, right? You'll take care of me before you leave? Ayos na ako kaya umalis ka na."

"I'm not leaving you."

She gritted her teeth in anger. Mabilis siyang humakbang patungo sa lamesa malapit sa pintuan kaya sinundan ko siya. Nanginginig ang kaniyang mga kamay nang kunin ang susi ng Chevy bago ako tinapunan ng tingin.

"If you're not leaving, then I will."

Akmang pipihitin niya ang doorknob nang hawakan ko ang kaniyang palapulsuhan. Swiftly, I guarded the door with my whole body. Her eyes watered in both anger and frustration. Binitawan ko ang kaniyang kamay.

My eyes softened when a tear fell on her cheek. Awtomatikong sumikip ang dibdib ko. Ganito ba talaga kabigat ang epekto ng presensya ko para sa kaniya? Lagi na lang siyang umiiyak kapag kasama ako...

"What happened?" I asked gently. "Please tell me what you're feeling, Sunny. I want us to work on this. Hindi laging solusyon ang pag-alis."

"At ano ang solusyon, kung ganoon? Ang pagpapakasal?"

Namilog ang aking mga mata. Nang matanto niya ang epekto ng kaniyang mga salita ay mas lalong nag-alab ang kaniyang galit.

Shit. How did she know?

"Tumunog ang cellphone mo kanina. Alarm ata para sa flight mo mamayang umaga patungong England. Tapos nakita ko ang unread message galing sa jeweler mo... You were looking for a goddamn wedding ring, Ico!"

Naguguluhan ko siyang tinignan. Something did not make sense. Why was she leaving? Did she think the ring was for Aria?

"It was for you," I clarified hesitantly. Hindi ko maintindihan kung bakit galit siya sa akin ngayon.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now