Kabanata 5

384 23 16
                                    

Kabanata 5

Rule

"Ate Sunny!" Tumakbo papunta sa 'kin si Sabby upang mayakap ako. Lumuhod ako at niyakap din siya pabalik. "Miss you! Late ka nang dumating!" may pagtatampo sa boses niya.

Humalakhak ako't kumalas sa yakap. I cupped her jaw before giving her tons of wet kisses all over her face, making her shut her eyes and pout a little. Umangat ang tingin ko kina Mine at Laurel na nasa likod niya at mataman kaming tinitignan. Kumunot ang noo ko dahil ang tahimik nilang dalawa at mukhang malungkot pa kahit nakalabas naman na sa ospital si Sabby.

Binalingan ko si Sab at nginitian. "Kamusta ka na?"

"Okay na, Ate!" She flashed an ear to ear smile. "Totoo bang magsho-shopping tayo ngayon? Gusto ko ng Barbie at Elsa!"

"Yes, baby," I said and nodded. Kinurot ko ang tungki ng ilong niya at makahulugan siyang tinignan. "Bibilhan kita ng maraming manika at cute na damit. You like them, right?"

"I like them!" She giggled.

Tumayo ako't tumungo kina Minerva at Laurel na nasa entrance ng Cavura. Ramdam kong hindi maganda ang pakiramdam ni Mine dahil matiim ang tingin niya sa 'kin at bahagya pang nakasimangot. I furrowed my brows which Laurel saw, forcing her to raise a bright smile. Alam ko agad na peke 'yon kasi 'di naman siya palangiti, at least not after she broke up with her cheater of a husband years ago.

"Kamusta siya?" tanong ko kay Mine. Sinulyapan ko ulit si Sabby at nakitang tumungo siya sa cooler at kumuha roon ng Yakult. Nakangisi na ako nang balingan ulit si Mine. "Ang bilis niyang nakalabas ng ospital, ah? Ayos na ba siya?"

Umiwas siya ng tingin at 'di nagsalita kaya si Laurel ang sumagot. "Okay lang siya, Sunny."

"Talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay. "E bakit mukhang problemado 'tong si Mine?" I asked suspiciously. I just knew that they were hiding something from me, lalo na't ang hirap magtiwala kay Laurel at 'di rin magaling magsinungaling si Mine. "Ano nang resulta ng tests niya?"

"Normal," si Mine na ngayon. "Galos lang ang meron siya. Besides, 'di naman siya hahayaang makalabas sa ospital kung 'di pa siya okay."

I scoffed. "'Di hahayaang lumabas? Bakit, kulungan ba ang ospital?"

"She's fine," she insisted in a firm tone. "Bad mood lang ako ngayon kasi nakita ko 'yong inggratang si Katie Valderrama sa ospital."

My mouth formed an 'o' at her juicy news. Mine had always been insecure about Katie. Matagal na silang nag-uungusang dalawa lalo na't malandi rin 'yong si Katie at ang sabi pa nga ni Mine, inaagaw nito ang mga prospect niya. The Valderramas were involved in the medical industry because of their pharmaceutical business, also probably why Katie was at the hospital.

Nakibit-balikat ako't pabirong hinila pababa ang buhok niya. "'Wag kang papadala sa bruhildang 'yon." Ngumisi ako ngunit nang maalala ang mga bills namin ay napabuntong-hininga rin. "Pa'no 'yong bills?"

"Nag-sign na ng promissory note. Pwede pa tayong maka-raket bago 'yong deadli—Oh, shit!" Mukhang may naalala siya kaya napahilot siya sa sentido niya. She glared at me. "'Yong bikini photoshoot ng Cerveza Negra nga pala! Bukas na 'yon, 'di ba?"

I suddenly remembered the date so I nodded. "Bakit? May problema ba?"

"May raket ako bukas!" singhal niya. "Big time sugar daddy prospect pa kaya 'di ako makakadalo! Shit!" Napakamot siya sa ulo. "Baka naman 'di na 'ko makaraket ulit 'pag 'di ako umattend? Siguradong magagalit 'yong organizer!"

"Two days and one night 'yon 'di ba?" Kuminang ang mga mata ko. "Magkano TF?"

"Thirty thousand. Pictorial lang naman ang gagawin kaya madali lang." Natanto niyang gusto kong sumali dahil sa ekspresyon ko kaya napahinga siya ng maluwag. "Irerecommend kita sa organizer kahit na alam kong matatanggap ka naman agad. Libre rin ang accomodation d'on sa villa na pagdadausan kaya wala kang poproblemahin. Ano, G?"

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ