Kabanata 43

270 14 2
                                    

Kabanata 43

Panic

Matapos ang dinner ay nagkayayaan sina Ico, Monty, at iba pang kaibigan sa grupo nila na mag-casino at clubbing. Dahil naka-formal attire pa rin kami ni Ico ay bumalik muna kami sa aming cabin upang magbihis.

"Ayos lang bang suotin ko 'to?" tanong ko habang inaangat ang nakahanger na itim na dress. Masikip iyon at may crisscross design sa neckline at slit nito.

Ico's brows furrowed. "If you're comfortable, then go ahead."

"I'm comfortable."

"Wala bang ibang pagpipilian?" mukhang 'di niya na natiis na huwag iyong itanong.

Pinulot ko ang isang red dress na sa may cleavage part naman ang may crisscross design. Hawak ang hanger nito ay pinakita ko 'yon kay Ico. Hindi na maipinta ang problemado niyang mukha habang palipat-lipat na tinignan ang dalawang dress na hawak ko.

"Ang iksi naman ata?" He tried to sound calm, but he sounded frustrated.

I sighed.

Bumuntong-hininga rin siya. "The black one is better."

Iyon nga ang sinuot ko. Noong makarating sa casino ay parang magnet na dumikit sa bewang ko ang palad ni Ico. Namataan agad namin si Monty na naglalaro ng poker doon sa medyo exclusive na sulok. He was with Zadkiel, Chamuel's brother. Kanina ay nahagip din ng mga mata ko si Atlas malapit sa mga slot machines.

Ang ingay. Gusto ko sanang matulog na lang sa cabin namin, pero ayaw ko namang sayangin ang once-in-a-lifetime cruise ship experience na ito. 

"Maglalaro ka?" tanong ko kay Ico kasi nakatayo lang kami habang nakatingin sa poker game ni Monty.

He shook his head. "I don't gamble."

Natawa ako. "E anong ginagawa natin dito?"

"Socializing." He glanced at me, his eyes dark and his lips lifting into a playful smirk. "We'll go back to our cabin after thirty minutes. I want my chocolate."

Inirapan ko siya nang matanto ang ibig niyang sabihin. He was comparing me to his Christmas chocolate, the one in Monty's childhood story earlier. Maybe because he wanted to savor me... or maybe because he thought I was delicious. Either way, I took it as a compliment.

His phone suddenly rang. It's always ringing these days. Mukhang may inaasikaso siyang application kasi iyon ang naririnig ko kapag may pagkakataon.

"I'll take this outside. You can roam around. Monty's losing anyway." 

He was kidding about the last part. Mukhang narinig nga lang iyon ni Monty. He raised a middle finger at Ico's back as Ico walked toward the exit. 

"Fuck you," Monty cursed.

Nag-ikot-ikot ako dahil nabo-bore na ako sa game ni Monty. Naglaro ako ng isang beses sa slot machine pero natalo rin kaya naghanap na lang ng ibang pagkakaabalahan. 

Mga sampung minuto na simula nang lumabas si Ico. I liked that he was passionate about his job, pero nag-aalala ako minsan kasi nahihirapan na siyang i-establish ang boundaries ng trabaho at personal life niya. Umuuwi 'yon minsan na para nang zombie. Madalas kasi siyang magkaroon ng 48-hour shift. Minsan tumatagal din ng 18 oras ang operation niya.

Napunta ako roon sa craps game na nasa kabilang sulok pa. Medyo pamilyar ako sa rules ng larong ito kasi palagi ako noon sa country club. It had something to do with dice. Sumiksik ako sa mga manonood upang tignan kung ano ang estado ng laro.

"What do you think?" 

Napatalon ako nang magsalita ang lalaking nasa gilid ko. Hindi ko napansing kasama pala siya sa players. Nang balingan siya ng tingin ay kaagad na namilog ang mga mata ko. Siya iyong isa sa mga bidders ko noon sa country club! Iyong mukhang manyak na inakit ko para mag-bid ng isang milyon.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now