Kabanata 44

283 15 2
                                    

spicy content :'D 

---

Kabanata 44

Flew

Hawak ni Atlas si Ico sa magkabilang balikat, pinipigilan siyang suntukin ulit ang lalaking 'di na makatayo ngayon. Nanlalamig pa rin ako nang marahan akong hilahin ni Chamuel palayo roon at patungo sa nag-aalalang sina Anastacia at Iowa.

"Goddammit, Ico. Calm the fuck down. You're not a fucking caveman," I heard Atlas scold Ico.

Tumigil ako sa paglalakad upang lumingon sa kanila. Medyo nag-disperse na ngayon ang mga tao kaya agad na dumapo ang tingin ko sa likod ni Ico na nagtataas-baba. 

Hindi ko na kailangang bumalik doon upang malamang matalim niyang tinitignan ang lalaking nambastos sa akin. Bago nagpatuloy sa paglalakad ay narinig ko siyang nagsalita sa nakakatakot na boses.

"If you ever touch my girl again. If you ever say her name. If you ever... think about her, or disrespect her in any way or form, you disgusting piece of shit, I will really fucking kill you." Dumating ang ilang guwardiya kaya nilingon sila ni Ico. "Get this bastard out of here," he commanded viciously.

Pinaupo ako ni Anastacia sa kaniyang gilid. Bumalik naman si Chamuel sa kinaroroonan nina Atlas at Ico upang tumulong sa pag-ayos ng gulo. 

Habang pilit na pinapakalma ang sarili ay inabot ni Iowa ang palad ko at minasahe iyon. She was pressing my palm on some pressure points. Bahagyang bumagal at umayos ang aking paghinga.

"S-salamat," wika ko nang maging ayos na nga ang pakiramdam.

Tipid siyang ngumiti. "Panic attack?"

I nodded.

"Just massage these parts of your palm if you ever feel anxious. You can also wear a rubber band on your wrist. Pitikin mo sa palapulsuhan mo kapag nawawalan ka na ng sense of surrounding. It hurts a bit, but the pain will help you... feel."

Gusto ko siyang tanungin kung bakit alam niya iyon, pero napagtanto kong baka, tulad ko, mayroon din siyang tinatakasan at pinagdadaanan. 

Umangat ang tingin ko sa papalapit na ngayong sina Atlas, Ico, at Chamuel. Magkasalubong ang kilay ni Atlas at mukhang bad trip pa rin hanggang ngayon. When my eyes met Ico's, he immediately looked away, as if ashamed of how he acted. Si Chamuel lang iyong nakangiti pa rin na para bang walang nangyari.

Sinugod sila ni Anastacia at nakapamewang na hinarap. "The hell, Ico?! A few more punches and we will be dealing with a dead man in this cruise ship! Pagkatapos pa talaga ng kasal ko?!"

"Babe," si Chamuel na pumagitna sa harap nilang dalawa.

Anastacia pushed her husband aside. Natatawa namang itinaas ni Chamuel ang kaniyang mga kamay na para bang nagsu-surrender.

"You didn't even think about Sunny! She was literally having a panic attack! And now I have to call a doctor to tend to that guy you just thrashed! Oh, wait! The doctor is you!"

"He's not dead. Just put some ice on his bruises and let him rest."

Nahilot ni Anastacia ang kaniyang sentido. "My god! Where is Rowan? He'll know how to handle this mess!"

Habang nag-uusap sila ay nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Ico. He looked apologetic. Agad niyang nilampasan si Anastacia na nagsasalita pa rin hanggang ngayon. Napatuwid ako ng upo at hindi na napansing umalis na pala si Iowa upang daluhan sina Atlas. 

Ico sat beside me and cupped my face. Naghanap ang mga mata niya ng sugat sa bawat parte ng aking mukha. I lifted a soft smile. Ipinatong ko ang aking kamay sa kaniya.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang