Kabanata 41

327 14 1
                                    

Kabanata 41

Missing Piece

Hawak ni Ico ang bewang ko habang naglalakad kami palapit sa booth nila Oliver upang magpaalam. Para akong nilalagnat sa pinaghalong kaba at alak sa aking sistema. Medyo maingay sa club kasi happy hours pa rin. Ngunit sa gitna ng kasiyahan ng mga tao dito, mukhang mas liligaya ako pag umuwi na kami ni Ico.

Tumayo si Oliver at lumapit sa amin nang mamataan kami. "Nice to see you here, pare," he greeted Ico. Sunod niya akong tinignan sa nakakunot na noo. "Uuwi na kayo?"

"Yes. Sunny's already sleepy," Ico explained. 

"O sige... Uh, mag-iingat kayo." Nginitian ako ni Oliver. Bakit pakiramdam ko 'di naman totoo ang ngiti niya? "Salamat sa pagdalo at sa regalo, Sunny. See you tomorrow. Ico," paalam niya at tinanguan ito.

Bago kami tuluyang makalabas sa club ay nagtama ang tingin namin ni Annie. Nginisihan niya ako. Umiwas na lang ako ng tingin at bahagyang dumistansya kay Ico. 'Yun nga lang, hinigit ako ni Ico palapit sa kaniya. Sobra naman 'to kung makapulupot ng kamay sa akin. Parang mawawala na lang ako bigla, e.

"Maraming tao. Baka maipit ka," paliwanag niya kahit wala naman akong sinabi.

"Ayos lang. Salamat sa pagsundo."

Nag-assume lang talaga akong sinundo niya ako kaya nandito siya ngayon. Sino kayang nagsabi sa kaniyang pumunta rito? Si Levi siguro. Tss. Gusto lang siguro no'n masolo si Annie kasi ako ang kasama niya buong gabi.

Pinagbuksan ako ni Ico ng pinto ng sasakyan nang makalabas na. Nagkatinginan muna kami bago ako tuluyang pumasok. Sa summer house kaya kami uuwi? Ayos lang naman sa akin 'yon. Gusto ko kasing humingi ulit ng paumanhin. Marami rin kaming dapat pag-usapan na 'di na puwedeng ipagpaliban pa.

"Did you have fun?" tanong niya sa matigas na Ingles habang nasa byahe.

Tumango ako. "I had fun. Nagkuwentuhan lang kami halos ni Annie buong gabi."

"That's good. What was your gift to Oliver?"

"Uhm, necktie. Wala na kasi akong maisip na iba."

"The necktie is already good enough." Sinulyapan niya ako saglit bago hininaan iyong aircon. "I have a jacket at the backseat. Suotin mo para hindi ka lamigin."

Umiling ako. "Ayos lang. Kaya ko naman."

"Your legs are exposed. Sige na... Kahit ipatong mo lang sa binti mo."

"Okay," suko ko at sinunod iyong utos niya.

Bakit parang ang lambing niya magsalita? 'Di ko rin tuloy maiwasang maging tunog-mabait kapag sinasagot ang mga tanong niya. Bumuntong-hininga ako at tumingin na lang sa labas. 

Pagod na rin naman akong palagi na lang kaming nag-aaway. Parang ang pointless lang. Sabi ko pa sa kaniya noon sa Manila, hindi na kami mga bata. Pero parang ang immature ng mga kilos namin nitong nakaraang mga araw. Siguro may mabuting epekto talaga ang pag-uusap namin ni Annie kanina. Parang tinubuan ako ng voice of reason kahit papaano.

Tama nga ako. Sa summer house kami tumungo. Nakasunod lang ako kay Ico hanggang sa dumiretso siya sa kaniyang silid. Tumigil ako sa may hamba ng pintuan, nakakunot ang noo. May kinuha siya sa cabinet na mga damit. T-shirt 'tsaka shorts na panlalaki.

"Wala kang pambabaeng damit?" tanong ko kasi noong nakaraan, meron namang dress dito.

"Sorry. Wala na. Those clothes are Yuki's. Kinuha niya na kaya ito na lang."

Ah. Kay Yuki pala 'yon. Siya ata 'yong laging kasama ni Monty noong college, e. Parang nabunutan ako ng tinik dahil nalamang 'di pala pagmamay-ari ng kung sinong babae ni Ico 'yong dress na 'yon. Buti naman...

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon