Simula

951 34 22
                                    

Simula


I needed to hold something thick, and no, it wasn't a dick—it was cash. Big fat cash. At kung magiging tiyak pa ako, kailangan ko ng tumataginting na limang milyong piso. Hindi na mahalaga kung tseke ba o aktwal na pera. Mas lalong hindi na mahalaga kung paano ko 'yon makukuha ngayong gabi. I needed to have it. Now. Or else my hoe of a sister would go to heaven.

Not heaven brought by sex, but heaven heaven. The one with God and angels and saints. Ni hindi ko nga alam kung doon siya mapupunta. But if it was the other way around and she was qualified to be Lucifer's hoe, I still wanted her to be a hoe who died fighting her illness.

"Saan na naman ang punta mo, Sunny?" ani Minerva habang sinusuot ko ang thigh-high boots ko sa sala ng maliit na apartment namin.

Bumuntong-hininga ako bago siya tinapunan ng tingin. Nasa pintuan siya ng kuwarto niya at nanghihinang nakahilig sa hamba nito, bahagyang hinihingal na tila ba ang simpleng pagtayo roon ay kinailangan ng sandamakmak niyang enerhiya.

Gusto ko siyang pagalitan ngunit 'di ko magawa. She was sick. Halata 'yon sa malalim niyang eyebags, nangangayayat niyang katawan, at kumukupas niya nang kagandahan. Her shoulder-length ebony hair was dryer than ever and her chapped lips told me she's literally one hell of a thirsty woman. 

Inirapan ko siya. "Saan pa edi maghahanap ng mabibingwit."

"'Wag mong sabihing pupunta ka na naman sa club?" malisyosang aniya.

"So?"

"So?" she mocked.

I tssed. "Residente ka nga ng club na 'yon sa loob ng ilang taon pero wala kang narinig sa 'kin. Ngayong bumaliktad na ang sitwasyon natin, hinuhusgahan mo na ako?"

"Hindi kita hinuhusgahan pero hindi kasi ikaw 'to! Alam kong ayaw na ayaw mo sa lugar na 'yon!" Bumakas ang iritasyon sa mukha niya. "Hindi mo kailangang lunukin ang pride mo para sa 'kin, Sunny!"

"Believe me," wika ko habang mapaglarong nangingiti, "hindi lang pride ko ang nilunok ko para sa 'yo."

Kitang-kita ko ang muhi na nag-alab sa mga mata niya. I don't get why she was so pressed about it. It wasn't like I still had any reputation, honor, and valor to uphold. Lahat ng tao sa La Fortuna ay iniisip na pokpok at gold-digger kaming magkapatid. 

It didn't mean it was true, but I wasn't the type to clarify anything. Isa pa, sino sila para manghusga? All we wanted was a better future.

A line formed between her eyebrows. "Hindi ko gusto 'tong ginagawa mo para sa 'kin. Kung tungkol 'to sa pera, mahahanapan ko naman ng paraan. Money shouldn't be a problem nor should I also be!"

"Suck it up, Mine," I hissed. "Tutulungan kita sa ayaw at sa gusto mo."

Nahilot niya ang sentido niya. "We're not even real sisters! Ba't mo ginagawa para sa 'kin 'to?"

"And you and Joseph aren't in a real relationship. Pero bakit nagse-sex kayo?"

"It's called being fuck buddies, girl." Humalukipkip siya't umirap pa sa hangin.

Dukutin ko mga mata nito, e.

"Fuck buddies daw," tuya ko at itinali na ang pa-ekis na liston ng boots ko. "Kung mag-FuBu kayo, ba't iniyakan mo siya no'ng naghalikan sila ni Katie? Insecure ka?"

"Well, she's a Valderrama heiress and I'm just a hoe who's ready to have a ballgag for him. Siyempre nakakainsecure."

Ngumisi ako. "'Wag kang ma-insecure. Talent kaya ang pagb-BJ."

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now