Kabanata 33

282 13 1
                                    

Kabanata 33

Cry

"Ew! Ano ba 'yan? Ba't mukha kang namatayan?!" reklamo agad ni Minerva ang narinig ko nang maupo sa silyang katabi ng kama niya.

Ala una ng hapon nang magkaroon siya ng malay. Si Joseph ang unang kumausap sa kaniya kaya binigyan ko muna sila ng privacy. Ngayon, kaming dalawa naman ang hinayaan ni Joseph na magkausap.

"Luh. Sinong mamamatay? Ikaw? E masamang damo ka nga?" Umirap ako para ipakitang hindi naman ako malungkot o nag-alala.

"E ba't ganiyan 'yang mukha mo?" Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Nasabi sa 'kin ni Joseph na may kababalaghan ka raw na ginawa kagabi. Chinismis sa kaniya ni Laurel!" 

Kagigising lang ng babaeng ito pero ang dami niya na agad nakalap na balita! Ang lakas pa ng boses niya. 

"Naku, sinasabi ko sa 'yo, Sunny! Umalis ka na roon sa club na pinagt-trabahuhan mo. Huwag ka na ring tanggap nang tanggap ng mga offer ni Laurel kasi wala ka namang makukuhang maganda roon!"

Nagpatuloy siya sa pangangaral sa 'kin habang nakasandal sa pinagpatong-patong na mga unan. Naninikip ang puso kong makita siyang ganito, nanghihina pero pilit na umaaktong ayos lang. Biglang nangilid ang mga luha ko kaya napahinga ako ng malalim. Buwisit naman. Mapagti-tripan talaga ako nito ni Minerva pag nakita niyang iniiyakan ko siya!

"Ilang beses ko nang sinabi sa 'yong ipunin mo na lang 'yang pera mo 'di ba? Ibili mo ng mga damit sa sentro. Akala mo hindi ko napapansing naiinggit ka sa magagarang damit ng mga babaeng kaedaran mo?"

"Anong naiinggit? Sa ganda kong 'to?"

Tinaasan niya ako ng kilay at pabirong sinampal. "Naku! Dapat kasi girl, hindi ka nagpapasindak sa mga babaeng 'yon! Tandang-tanda ko pa 'yong pambubully sa 'yo pagkatapos nilang malaman na hindi ka si Aurora Casagrande. Umuwi ka pang naliligo sa harina at itlog!"

"Sabing nagkatuwaan lang kami ng mga kaibigan-"

"Ginawa kang cake tapos katuwaan lang? Dapat kasi hindi ka nagpapakita ng kahinaan para hindi ka nila pagsamantalahan!"

Napakamot ako ng ulo dahil kung saan-saan na napadpad ang usapan namin. Gusto ko siyang tanungin kung kamusta na ba ang pakiramdam niya, pero alam ko rin ang estilo niyang ito. Iniiba niya ang usapan kasi ayaw niyang tungkol sa kalagayan niya ang maging paksa namin. 

"Huwag kang mag-alala sa akin. Sus, kaya ko na 'to! Nandiyan naman si Joseph 'tsaka dapat mas inaalala mo ang sarili mo. Ilang taon ka nang walang jowa! At least kahit may sakit ako, regular pa rin akong nadidiligan. E ikaw?"

"Masaya naman ako kahit wala akong jowa, Mine..."

She looked disgusted by my answer. Parang ang mali ng sinabi ko para sa kaniya. "Ay girl, 'wag ako! 'Tsaka iba sa feeling kapag may taong nangangamusta sa 'yo, humahalik sa 'yo, yumayakap sa 'yo." Luminga-linga muna siya bago lumapit sa 'kin at bumulong. "Nakikipag-sex sa 'yo..."

Agad kong tinulak palayo ang mukha niya sa 'kin. "Mine!" I groaned.

"Ano? E totoo naman! Besides, sexual intimacy is beautiful!" 

Humalakhak siya kaya napasimangot ako. She was exaggerating things again. Nang kumalma ay mataman niya akong tinignan at mapait na nginitian. 

"Sinasabi ko lang naman, Sunny. Mas magandang may tao ka ring masasandalan maliban sa 'kin. Paano na lang kapag wala na ako?"

Napakagat-labi ako, pinipigilan ang nagbabadyang pag-agos ng mga luha. I knew it. This has always been her way of communicating with me. Dinadaan niya sa biro lahat kahit hindi naman iyon angkop sa konteksto. Ang unfair lang kasi bakit kapag tungkol sa amin ang problema, okay lang na mangialam siya at mag-alala? Pero kapag siya itong nagdurusa, biglang tinutulak niya kami palayo.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now