Kabanata 2

431 24 21
                                    

Kabanata 2

Like You

"Sir, would you like some BJ? Masarap 'to, promise!"

I flashed an ear to ear smile to the middle-aged man I was talking to. Matirik ang sikat ng araw sa kanan at ang mainit na sinag nito'y humaplos sa buong katawan ko. Bahagyang namasa ang kili-kili ko sa maligamgam na panahon. It slightly annoyed me. Gusto ko na tuloy na hubarin ang uniporme ko at agarang maligo.

"Sige, Miss. Pabiling isa," aniya at saka inilabas mula sa bintana ng kotse ang kamay niyang may hawak na pera. Nang magtama ang mga mata namin ay makahulugan siyang ngumiti. "Talaga bang masarap?"

Tumango ako. "Masarap po. Specialty ko 'to, e."

"Alright. I'll take two, then."

Binuksan ko ang cooler at saka kumuha ng dalawang Buko Juice upang ibigay na 'yon sa kaniya. The juice was in an actual coconut shell with a fancy swirl straw and a Gumamela flower to enhance its appearance. Si Laurel ang nakaisip ng ganitong kaartehan na pinagbigyan ko na lang dahil mukhang mabenta naman. It was summer, after all. Everyone wanted refreshments.

"Can I have your number?" he asked after accepting them.

Pinunasan ko ang pawisan kong noo bago umiling. "Wala ho akong cellphone, e."

Kumunot ang noo niya bago sinipat ang bulsa ng waitress uniform ko. My cellphone was there. Hilaw akong ngumisi nang matanto 'yon. He scoffed and bore an offended look before abruptly driving off in his classic black Citreon DS. Pinagmasdan ko pa muna ang swabe niyang sasakyan bago ito tuluyang nawala sa paningin ko. After he was gone, I sighed and decided to take a break. Ang lagkit-lagkit ko na!

Mula sa maliit na entrada ng Cavura, ang pizzeria ni Laurel sa town center, ay naglakad na ako papasok sa loob nito. Walang kahit sinong customer ang naroon dahil alas dos ng hapon at sad hours ng restaurant. 

The smell of dough, pepperoni, and grease filled my senses as I paced toward the counter to place the second layer of my uniform there. Ibinuhaghag ko muna ang buhok ko mula sa pagkakapusod nito bago dumiretso sa opisina ni Laurel. I passed through the retro-designed walls, red classic couches, and hardwood tables while walking. Pwede na 'tong pumasa na location ng isang Indie Pop MV, e.

"Ate!" masiglang bati ni Isabel nang makapasok na ako sa opisina.

Mula sa pagd-drawing ng kung ano sa office table ay tumakbo siya palapit sa 'kin upang ipakita ang gawa niya. Lumuhod naman ako para salubungin siya. Nandito si Sabby sa tuwing Sabado at Linggo. Kapag naman weekdays, nando'n siya sa Fortunate Folks, ang orphanage na kinabibilangan niya.

"Ate, tignan mo," aniya at saka ipinakita sa 'kin ang naiguhit niya. Apat na babaeng magkahawak-kamay ang naroon. "Ito si Mimi Laurel, si Ate Mine, ikaw, at ako 'yong may flowers na hawak sa dulo!"

Tumango ako at ni-exaggerate ang pagkamangha sa gawa niya. "Ang ganda naman ng drawing mo! Anong title niyan?"

"Power Puff Girls!" she exclaimed and giggled.

Sinabayan ko ang hagikhik niya. I hugged her and squeezed her tight before giving her tons of kisses all over her face. She giggled more. Akmang yayakapin ko ulit siya nang biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Pinagmasdan niya akong kunin 'yon mula sa bulsa ko.

She pouted. "Bye-bye na?"

Bumuntong-hininga ako at pormal siyang hinarap. She was five years old but she was smart enough to understand that none among us had free time on our hands. Abala rito sa restau si Laurel samantalang marami naman kaming gig ni Mine. Binibisita namin siya sa orphanage pero dahil summer at maraming trabaho, madalang nalang naming nagagawa 'yon.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now