Kabanata 29

404 16 8
                                    

Kabanata 29

Break

Makulimlim ang mga ulap dahil sa pinaghalong kadiliman ng gabi at nalalapit na pagpatak ng mga ulan. Nakaupo ako sa steps na nasa labas ng ospital, tahimik na umiiyak. Ang tanging laman ng utak ko ay ang katotohanang wala na si Sab. We tried to rush her to the hospital but she was dead on arrival.

Ilang minuto akong nakaupo roon nang may tumigil na sasakyan sa harap ko. Pagbukas ng pinto ay lumabas doon si Ico. Kalmado ang mukha niya at nakasuot siya ng simpleng puting T-shirt at maong na pantalon. Agad na nagtama ang tingin namin. I wiped my tears and looked away. I did not want to see him.

"Sunny," he said when he was in front of me. Nakaiwas pa rin ako ng tingin kaya umupo na lamang siya sa tabi ko. Hinagod niya ang likod ko ngunit umusog agad ako upang iwasan ang haplos niya. "I'm sorry," patuloy niya.

"She's dead," I said a-matter-of-factly.

Ilang segundo siyang natahimik. "She's in a better place now."

"Heaven is not the only better place, Ico. This world could've been perfect for her."

"This world did not deserve her."

Siguro ay dahil na rin sa pagluluksa pero nang sabihin niya 'yon, mas tumindi lamang ang pait na nadarama ko. How could he say that? Kaya kong isuko lahat para lang bumalik ulit sa tabi ko si Sab. I could conquer anything if it meant she would live. I could sacrifice anything even just for a last goodbye kiss.

"You said she had a chance," I accused, staring straight into his eyes. Kitang-kita ang pagod at pighati sa mga mata niya. "And you said you would come to the party. Pero anong nangyari? You broke all your promises! You're a—"

"Liar?"

"Yes!"

A crooked, humorless smile rose on his lips. "You're one to talk, Aurora Casagrande."

Namilog ang mga mata ko. Nangapa ako ng ibabatong salita ngunit tila ba umurong ang dila ko dahil sa madilim na tinta sa mga mata niya. He looked mad. Hindi niya man ipakita sa 'kin, ramdam ko ang pag-iba ng ere niya kahit noong kararating niya pa lang. He seemed distant... like he's here but not mentally.

"Forget it," bawi niya. "You're tired. I might talk to Dr. Raj for a bit before bringing you home. Kailangan mong magpahinga."

"You're mad at me," I couldn't help but point out.

Nainis ako dahil kahit halatang-halata na ang galit niya sa 'kin ay pilit niya pa rin 'yong itinatago. It's funny because as much as he tried, he couldn't conceal the way he looked at me with malice and judgment. It made me feel alienated.

Pakiramdam ko pinapakisamahan niya lang ako kahit ang totoo'y ayaw niya naman akong kausapin. Ngunit hindi ko rin talaga alam. Siguro ay 'yon lang ang gusto kong isipin dahil 'yon din ang iniisip ko sa sarili ko.

"I'm not," he gently said.

"Just say it! You're mad at me."

Problemado niyang hinilot ang sentido niya. Maraming nars at doktor ang bumababa at umaakyat gamit ang steps kung saan kami nakaupo. Ico let out an exhausted sigh. Kulang na lang ay takpan niya ang mukha niya sa kahihiyan. Agad naman akong nanliit sa kaisipang 'yon. Am I embarrassing him?

"I'm not mad at you. Just please... let's go home."

He tried to reach for my hand but I hid it behind me right away. Napalunok siya at napabuntong-hininga. Unti-unti ay namuo ulit ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. We stared long enough for me to realize how he really felt about being with me at this moment.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now