CHAPTER 7

3.6K 76 0
                                    

ENJOY READING!

————

NAPAHAWAK AKO bigla sa ulo ko paglagising ko dahil pakiramdam ko ay mabibiyak ito, ayaw ko pa sanang bumangon nang kumalampag ng pinto. Sabay pa kaming napabangon ni Keyrel. Sino ba naman ang mahilig sumigaw? Edi si Terry na panget. Tsk!

Nagmadali kaming maligo ni Keyrel at nagbihis bago sabay na lumabas ng kwarto. Dumeretso kami sa kusina. Naabutan naming nagluluto si Mayordoma.

Nang mapansin niya kami ay agad niya kaming tinuro sa may pool area. Hindi namin inaasahan ang makikita. May mga tao sa pool, higit sila sa sampu mas marami nga lang ang lalaki. Pansin rin namin na may ihaw-ihaw sila sa gilid.

Nagkatinginan kami ni Keyrel. "Lagot tayo.." Sabay namin sabi at sabay kaming nagtungo sa nagiihaw.

"Ah.. Ma'am kami na po dito." Sambit ko sabay agaw ko ng pamaypay sa babaeng nagiihaw.

Tumingin siya saming dalawa ni Keyrel saka kami nginitian. "Inagaw niyo na e. Ako si Tesla kayo anong pangalan niyo?"

"Keyrel ma'am at ito naman si Jaire." Tumango ang babae sa sinagot ni Keyrel bago kami nito iniwan.

Habang nagpapaypay ay di sinasadyang napatingin sa dulo ng pool kung saan nakatambay ang nga kalalakihan. Nakalublub ang katawan ng iba sa pool at ang iba naman ay nakaupo lang sa gilid. Pare-pareho silang nakahubad baro, hindi ko maiwasan na pasadahan ng tingin ang katawan nila.

What the! May biglang katawan na humarang.

Mula sa umiigting nitong panga pababa sa matigas na dibdib pababa sa nagtitigasan nitong pandesal. Pababa sa... Lentik talaga, nagiging perv na ako.

Wala sa sariling nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin doon. "Infairness malaki.."

Nagising ako sa malalim na pagiisip ng sikohin ako ni Keyrel. Nanlaki ang mata ko ng tingnan ko ang taong kaharap ko.

"Aleos —Senyorito Racs!"

"What's malaki, baby?" Pinandilatan ko siya ng mata. Binabalaan ko siya, baka marinig ni Keyrel iyon ay siguradong uulanin na naman ako ng tanong.

Pahamak talaga siya...

"W-Wala S-Senyorito.." Ramdam ko ang titig niya pero hindi ko na siya tinignan pa at pinagpatuloy ang pagpapaypay.

"Oh, Senyorito Racs.. Kukunin niyo na po ba ang inihaw? Ito may luto na po." Nilagay lahat ni Keyrel ang lahat ng luto sa isang pinggan.

"Okay." Malamig ang boses nitong sabi. Napangiwi ako.

Hindi paman nabibigay ni Keyrel ang inihaw kay Aleoscar ay may biglang pumulupot na braso sa braso nito. Sinulyapan ko ng tingin kung sino iyon.

"Buti lumabas kana, Babe..." Malanding sabi ng babae.

Babe.. Huh!

Sa inis ko ay nilakasan ko ang pagpapaypay sa sobrang lakas pati ang usok at abo ay umaabot sa kanila.

"The fuck!"

Napasinghap ang babae. "Oh my gosh!"

"Hala! Pasensiya na ma'am, hindi ko kayo napansin." Sambit ko at patagong ngumisi.

Nagpigil ako ng tawa nang makita ang reaction ng mukha nila. Priceless! Shotaa! Napahilamos sa mukha niya si Racs. Tumingin saakin ang babae at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Bumilog ang bibig niya habang nakatingin sakin. "Excuse me?"

Binigyan ko siya ng daan. "Dadaan ka po? Sige ma'am.." 

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now