CHAPTER 29

2.2K 82 3
                                    

Here's the Aleoscar's abs👆

By the way, this chapter is dedicated to you @KwtKwtk! Beh, sorry hindi kita ma-mention, what's going on?!

————

Kiara Jaire Lazarus

NAKARATING kami sa pinakamalapit na hospital. Tinulungan kong bumaba si Aleos bago kami pumunta sa emergency room. Pinaasikaso ko siya kaagad sa mga nurse, mukhang plano pa nila kaming paghintayin eh. Nakaupo lang ako sa gilid habang ginagamot nila si Aleos, tudo taas kilay sakin ang isang nurse na nagaasikaso sa kanya.

Tangina nito, hindi naman siya tumutulong eh. Puro lang siya titig kay Aleos na ngayon ay nakatulog na, kapag talaga namali siya ng galaw ay sasabog ang utak niya. May dalawang bala pa ang revolver ni Aleos na nasa bulsa ko.

"Tapos na, ma'am. We already checked his vital signs and it's normal, nothing to worry about po. Tawagin niyo nalang po kami kapag may kailangan kayo, mauuna na kami." Wika ng isang nurse tsaka ako iwan. Inirapan pa 'ko ng isa bago sumunod sa kasama niya.

Kung wala lang kami sa ospital ay madudukot ko mata nito.

Nilapit ko ang upuan sa kama ni Aleos bago siya tinitigan. May gasa siya sa noo. Mabuti ito lang natamo niya. Napailing nalang ako at kinapkap ang celpon niya dahil tatawagan ko sina Jiro, nang makapa ko ay agad ko itong dinukot at sinubukang buksan, mabuti naman walang password.

I search Jiro's name and I tried to call him.

["Boss"] Rinig kong boses ni Jiro sa kabilang linya pagtapos ng tatlong ring.

"Puntahan niyo kami dito sa hospital."

["Is this Kiara? What are you doing there? What happened?"]

Tumirik ang mata ko sa asar. "Bilisan niyo! 'Wag ng madaming tanong. Also bring Aleoscar clothes and foods. Get it?"

I heard other voice's in his line.

["Okay. Where's hospital?"]


Ang kulit.

"Malaria Hospital. Bilisan niyo, Jiro!"

At pinatay ko na ang tawag. Nilagay ko muna sa bulsa ko ang celpon niya, bago naghulumbaba nang bigla akong napahikab. Tingin ko ay magaalas-sais na.

Sinubukan kong hintayin sila Jiro pero sinusubukan din talaga ako ng antok at hindi namalayang nakatulog habang nakasandal sa kama ni Aleos, nagising lang ako ng maramdaman na may kamay na humihimas sa ulo ko. Agad kong inangat ang tingin kay Aleos na gising na pala, para itong antok dahil sa mapungay ang itim na itim na mata.

"You can sleep beside me, I don't mind.." His rough voice was exhausted.

"Katokin ko 'yang bungo mo eh, kanina pa 'ko gigil sayo! Ang tagal mo pang magising. Tss." Asik ko.

He chuckled huskily. "Why? I can feel that you're worried to me, aren't you?" He gave me a lopsided grinned.

I remained my face stoic before rolled my eyes. "I'm not freaking worried. I- I'm just...uh..hindi naman ako ganon kasama para iwan ka doon, tsaka sayang naman ang sweldo ko sa pagtatrabaho sayo kung hindi ko rin naman makukuha. And it's just a little bruise, malayo sa bituka!"

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now