CHAPTER 15

3.1K 74 0
                                    

ENJOY READING!

————

Kiara Jaire Lazarus

"OH, MOTHER FATHER PÓRN!"

Sa sobrang gulat ko ng marinig ang boses Light ay agad akong napakalas kay Aleos dahil sa malakas na sigaw na iyon. Habol ko ang hininga ng tumingin sa pinto, umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko ng makita sina Naze, Calib, Kelra at Light. Nanlalaking mata na tinignan ko silang lahat na nakatingin na rin samin, para kaming suspek na nahuli pero di kulong. Naramdaman ko ang pagiinit ng tenga ko.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Rinig ko namang nagtikhiman sila bago nagsipasokan. Sa dinarami-rami ba naman kasi ng lugar dito pa naisipan ni Aleos na manyakin ako. Tangina, hindi!

Bweset din ang isang iyon e.

Umupo nalang ako sa gilid at iniwas na magawi ang tingin sa mga kasama ko lalo na sa gago na parang wala lang at kumportable lang itong umupo sa tabi ko. Bweset, ang kapal talaga ng apog nito!

"Ehemm... Ah, boss dala na nila Sebastian at Jiro ang pinapakuha mo." Boses ni Light, sinadya pa nitong lakasan ang pagubo.

"Good." Maikling tugon ni Aleos. "What happened about Mr. Lesnar?"

"Sa tingin ko boss, alam niya na may pinaplano tayo sa kanya kasi nong parang bola na kinuha namin ang tauhan niya ay wala siyang reaksyon, parang alam niyang may mangyayaring ganon.." Wika ni Calib.

"You think so.." Ani ni Aleos.

"Hindi rin, boss eh. Imposibleng hindi 'yon magtaka, baka nga nagpaplano na 'yun ngayon." Singit ni Light.

"Uhuh! And how about Mr. Fajardo?"

Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila kaya nanahimik nalang ako habang ang tingin ay sa labas ng bintana, inaabangan ang pagdating nila Jiro. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang bulto ni Jiro at Sebastian na may tigiisang hawak na lalaki, bugbog sarado ang isa na halos hindi na makilala and isa naman ay pamilyar saakin ang damit.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa nasa tapat na sila ng pinto, binuksan iyon ni Light ang pinto. Lumagapak ang isang lalaki sa harap namin ng padarag itong binitawan ni Seb. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang pamilyar ng mukha ng isa.

"What the fuck?! Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?" Asik ko na kunot  na kunot ang noo.

Tinignan ko ng masama si Jiro na siyang may hawak kay Hermis.
"Wag mo kong tingnan ng ganyan, Kiara. Napagutusan lang ako!" Ani nito na tinaas pa ang dalawang kamay.

Sinara ni Light ang pinto ng makapasok na ang lahat. Bumaling ako sa lalaki na sinuntok kanina ni Aleos, hindi ko alam na nakatingin na pala ito saakin kaya nagtama ang paningin namin.

"What do you want from us?" Tanong ni Hermis na nasa akin ang paningin.

"Let's get out of here, guys. Baka masundan tayo." Singit ni Naze.

"Drive Kelra." Dalawang salita galing kay Aleos na agad sinunod ni Kelra.

Bumaba ng sasakyan si Kelra at lumipat sa driver seat. Maya-maya pa ay umandar na ang sasakyan, nakalabas na kami ng building.

"Ano bang kailangan niyo samin? Saan niyo ba kami dadalhin?!" Sigaw ni Hermis.

Hindi siya pweding lumabas ni-lock ni Kelra ang pinto. Tahimik lang kaming nagtinginan bago umiwas ng tingin, dumapo naman ang paningin ko sa katabi ko. Seryuso ang mukha nito habang nakasandal ang braso sa sandalan ng upuan ko.

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now