CHAPTER 20

2.7K 74 8
                                    

ENJOY READING!

WARNING!⚠️: Vulgar words.

----

Kiara Jaire Lazarus

ANG TAGAL ni Keyrel. Sa sobrang tagal ay gusto ko nalang maging tuod sa kinatatayoan ko, pinagtitinginan na rin ako ng iba. Sarap manusok ng mata ngayon ha. Si Keyrel na kanina pang tinuturuan ng babaeng kinuha nitong magtuturo sa kanya. Kanina ko pa rin nararammdam ang init ng araw sa balat ko.

"Racs!"

Nilibot ko ang tingin sa paligid ng marinig ang pangalang iyon. Nasa tabi ko lang pala sila.

"That was awesome!"

"Salamat Racs!"

Pakiramdam ko ay nadagdagan ang pangiinit ng bunbunan ko sa naabutang eksena. Basa ng tubig ang babae habang nakayakap ito kay Aleos na suot pa rin niya hanggang ngayon ang damit niya mula ng dumating kami dito sa Isla.

Humiwalay ang babae sa yakap. "Naku pasensiya kana Racs, nabasa ko yata ang damit mo."

Kung hindi ba naman bobo, talagang mababasa 'yon. Tangina nito. Sarap chonggohin! Nanggigigil ako, pigilan niyo ko masasapak ko 'to. Dito pa talaga sa harap ng maraming tao naglandian.

"Señorito Racs! Nandito kana pala? Nasan si Ales?" Biglang sulpot ni Keyrel sumigaw pa ito kaya nagsitinginan ang iba sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin ng lumapit siya kay Aleos na kasama pa rin ang babaeng iyon. Tinaasan ko ng kilay si Keyrel ng palihim niya akong sininyasan na lumapit. Utosan daw ba ako, ni wala ngang ipapasweldo sakin. Ekis 'yan hindi mo 'ko pwedeng utosan.

Uupakan ko ang magbalak na utosan ako.

"Alessandro is contacting you, he's already panicking because you didn't pick up your phone. I don't know where he is now." Rinig kong sagot ni Aleos.

Malapit lang sila sa pwesto ko pero hindi man lang nila ako nabalingan ng tingin. Palibhasa kasi si Aleos may babae ng kinakalantari kaya hindi na pumapansin ng kakilala, pwes sarap niyang palunukin ng isang buong kamao.

Mga putangina, hindi sila makaramdam!

"Ha? Eh, magkasama lang kami ni Jaire. Naglibot-libot lang kami, nagtry na nga akong mag surf e." Ani naman ni Keyrel.

Dahan-dahan akong tumalikod para sana makalayo pero nahawakan na ni babaita ang ang braso ko tsaka kinaladkad para makalapit sa dalawa.

Hinigpitan ni Keyrel ang pagkakayapos sakin ng akmang makakawala ako. "Ipakilala mo naman kami sa magandang chicks mong kasama Señorito.." Nakangiti habang binibigkas iyon.

Nangaasar pa!

Umangat ang kilay ko bago binalingan ang babae sa tabi ni Aleos. Ngumiti ito saakin ng magtama ang tingin namin.

"Ako si Andrea, kababata ni -."

"- Oh, ikaw na pala 'yan Andrea. Hindi mo ba ako natatandaan?" Putol ni Keyrel sa iba pa nitong sasabihin.

Bastos din pala minsan 'to e.

Biglang nagiba ang ekspresyon ng babae, ang nakangiting mukha ay napalitan ng pagkagulat. "K-Keyrel...?"

"Masyado na ba akong gumanda para hindi mo makilala?"

Napangiwi ako sa sinabi niya. Ano naman kaya ang pinupunto nito, parang may galit yata si Keyrel sa babae o nagiilusyon lang ako.

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن