CHAPTER 22

2.6K 63 4
                                    

ENJOY READING!

————

Kiara Jaire Lazarus

"HOY JEARAH!" Sigaw ng kung sino mula sa likod ni Jearah.

Nakita ko ang dalawa kong kaibigan. Si Poison ang sumigaw kasama si Red na nakapamulsang naglalakad palapit.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"What the hell Jearah!" Inis kong asik.

Nanlaki ang mata niya at bahagyang napalayo sakin habang hindi pa rin bumibitaw kay Shaw. "Sis naman, bukas na ang birthday mo kailangan kasama sila. Ano kaba!"

"Jaire! Bukas na ang birthday mo?!" Biglang singit ni Keyrel. Pinaharap niya ako sa kanya at niyugyug ang balikat ko.

"Yes girl."

Si Jearah na ang sumagot sa tanong niya. Sinamaan naman ako ng tingin ni Keyrel bago sumimangot.

"Kung hindi mo pa siguro sinabi ay hindi ko pa malalaman na magbibirthday na pala 'to si Jaire."

Sa gitna ng pagdadaldal ni Keyrel ay may biglang tumikhim.

"Jaire! Namimiss kana ng barkada, kung hindi pinaalam saamin nitong bruha mong kapatid na pupunta ka dito ay hindi ka pa namin makikita.." Ani ni Poison. Bumaling naman ito kay Keyrel. "Can I hug my Jaire?"

Binitawan naman ako ni Keyrel at bahagyang lumayo. Lumapit si Poison sakin at tinapik-tapik ang balikat ko habang nakayakap.

"That's enough, Poi I'm envious!"

Wala pang tatlong sigundo ay nakahiwalay na ako kay Poi na agad pinalitan ni Red. "Mabuti buhay ka pa.." Bulong nito.

"Masamang damo e." Ani ko naman.

Napailing nalang siya bago humiwalay.

"So we're settle now?" Singit ni Hermis. Sa kanya tuloy kami napatingin lahat. "Jaire's birthday was tomorrow and we have to celebrate it, let's swimming guys!"

"Kayo nalang tinatamad ako." Tanggi ko. Tinatamad naman talaga ako eh, lalo na dahil tinitipid ko ang tatlong pares kong damit.

"KJ mo naman Jaire!"

"Oo nga, birthday na birthday."

"That's not good idea, Sis!"

Umingos ang tatlong babae na pare-parehong madaldal. Napakamot nalang si Hermis sa batok niya ng tinignan ko siya.

"Bukas pa ang kaarawan ko. Pwede ba bukas niyo nalang ako kulitin?"

Tinignan nila ako na parang alien ako sa paningin nila. Batukan ko kaya isa-isa 'to.

"Sige na Jaire!" Pamimilit pa ni Keyrel

Kino-konsensya ako ng mga depunggal. Paano ba naman e ta-tatlong makukulit ang kasama namin, si Keyrel, Poison at Jearah. Nagsama pa talaga sila sa pangungulit.

Napatango nalang ako bago malalim na napabuntong hininga. Iwan ko ba sa mga 'to, bahala na sila sa sarili nila basta ako nakakain ako kanina ng masarap at okay na ako 'don.

Ano pa bang aasahan ko sa isang Racs Gonzalo.

DUMERETSO nga kami sa dagat at sabay-sabay na lumusong sa tubig. Naglakad pa kami hanggang sa umabot na sa kili-kili namin ang tubig. Napangiwi pa ako kanina ng maghubad sina Poison at Jearah ng pangitaas nila, prepare ang dalawa. Parehas nakasports bra. Kami naman ni Keyrel at Red ay hindi naghubad ng t-shirt, maliligo lang naman, bakit kailangan pang maghubad? Tsk!

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now