CHAPTER 14

3.6K 99 7
                                    

ENJOY READING!

————

Kiara Jaire Lazarus

SINULYAPAN AKO ni Kelra bago bumaling kay Keyrel. "Here, give this to her." Sabay abot nito ng hawak na isang paperbag at isang box.

Hinablot iyon ni Keyrel bago tinalikuran si Kelra, pinagsarhan na niya ito agad ng pinto.

Bastosan!

Naglakad ito palapit sakin at binigay sakin ang hawak nito.

"Teka, ano ba 'yan ha?" Tanong nito at sumilip sa paperbag.

Una kong binuksan ang paperbag at tumambad sakin ang isang black stellito, alam ko ang tawag dito dahil kay Jearah. Katulad nito ang palagi niyang sinusuot dati kapag pupunta siya ng nga special occasions, parties o kahit saan man siya pumunta.

Bumilog ang bibig ni Keyrel habang nakatingin sa hawak ko. "Wow, ang ganda Jaire."

"Tss."

Alam ko na agad kung kanino galing 'to. Binalik ko ito sa paperbag at sinunod na buksan ang malaking kahon. Napabuntong hininga nalang ako ng mabuksan ang box, isang black gown na kumikinang pa dahil sa mga palamuti. Akma ko na sanang ibabalik ang takip ng box ng bigla akong pigilan ni Keyrel.

"Wait.." Dahan-dahan niyang kinuha sakin ang box at nilabas ang gown. Kumikislap pa ang mata nito sa pagkamangha, nakaawang pa ng bahagya ang labi.

"This gown is freaking elegant and... sophisticated.. Gorgeous... Stunning.."

Napailing nalang ako. Kahit ayaw kong magsuot ng mga ganito ay kailangan, ayuko namang magmukhang katawa-tawa sa harap ng maraming tao. At isa pa baka hindi ako papasukin sa pupuntahan namin kapag nagmukha lang akong mamamasyal. Pero shit lang hindi ako marunong maglakad sa ganyang sapin sa paa, ito na siguro ang pangalawang beses na magsusuot ako niyan, iyong huling beses ay 'yung nagdese-otso ako.

"Aalis kami.." Paunang dalawang salita galing sakin.

Napatingin si Keyrel sakin ng may pagtataka. "Sinong kasama mo? Bakit may pa ganito si Kelra? At bakit ganito ang kailangan mong suotin?"

"Sina Racs, Kelra, Seb, Light, Calib at Naze. Kay Racs galing ang mga ito at huwag ka ng magtanong kung bakit niya ako binigyan nito dahil alam mo namang wala akong mga damit. At pang huli, dahil may pupuntahan kaming hindi mo na kailangan malaman kong ano 'yon."

Pinaningkitan niya ako ng mata pero ilang sandali lang ay nanlaki ang mata niya at hinawakan ako sa balikat para itayo. Natataranta na naman ito.

"Oh my gosh! Kung ganon ay kailangan mo ng maligo para masuot mo na ito." Hinatak nito ang braso ko kaya napasunod ako tsaka niya ako tinulak sa banyo. "Bilis na maligo kana! Kasama mo naman si Naze kaya sigurado akong siya ang magaayos sayo, sige na maligo kana!"

Pinandilatan ako nito ng mata. "Maligo ka na, mamaya malate pa kayo sa lakad niyo!"

Tumango nalang ako at sinarado ang pinto. Nang magumpisa akong maligo ay may naririnig akong naguusap galing sa labas, medyo hindi ko mabosesan dahil sa tunog ng shower kaya hindi ko nalang iyon pinansin at naligo na nga ako hanggang sa natapos ay pinulot ko tuwalya sa katawan ko bago lumabas.

Binuksan ko ang pinto ng banyo bago lumabas. Napatigil ako ng makitang hindi lang si Keyrel ang nandito. Napatingin ang dalawa sakin ng marinig ang yabag ko.

Ngumiti si Naze sakin. Hindi pa ito nakabihis at basa pa ang buhok halatang katatapos lang rin maligo. "Hali kana Jaire, sumama ka sa kwarto ko. Doon na kita aayosan tsaka doon kana rin magbibihis."

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now