CHAPTER 9

3.2K 63 3
                                    

NAGHIYAWAN ang mga tao ng pumasok ang kabilang grupo, aaminin kong matatangkad sila at may mga itsura rin pero mukhang mga lampa naman. Aahin mo 'yang mukhang mga gwapo kung idadakdak ko lang isa-isa ang ulo nila. Ang yayabang pa maglakad, parang kanila yong court.

Muntik pa kaming ma-disqualified kanina mabuti nalang at napapayag na rin naman namin ang committee. Pinagbigyan na kami dahil ito daw ang may kaunaunahang babae na sumali sa ganitong laro dito sa bayan nila. Shoootaaa!

"Ang yayabang, sino ang mga 'yan?" Tanong ko sa mga katabi.

"Sila Koleen, mayayabang talaga ang mga 'yan dahil sila ang pinakamayaman sa bayan, palibhasa gobernador ang tatay." Bulong ni Bren ang dakilang chismuso.

Napatango ako habang nakatingin sa kabilang grupo. "Ganon ba, pwes tuturuan ko ng leksyon ang mga utak daga na mga ito." Bulong ko.

Rinig ko naman ang hahikhikan nila. "Mapagbiro ka pala talaga, Jaire." Sambit ni Jake.

Inambahan ko ito ng siko ko kaya napatakip ito sa mukha niya. "Eh kung i-chunggo kita, tatawa ka pa ha?!" Banta ko.

Nakangiwing napakamot nalang sa batok si Jake. "Sorry na nga e, pero magaling talaga sila, Jaire. MVP iyan dito pati sa unebersidad na pinapasukan nila wala pang nakatalo d'yan."

"I don't care, wala akong pakealam. Naiintindihan mo?! Tatalunin natin sila kahit anong mangyari, kapag natalo talaga tayo dito ay kayo ang yayariin ko." Pinanlakihan ko pa sila ng mata bago pumwesto.

Si Khen ang magja-jump ball samin, matangkad naman siya at sa tingin ko kulang lang siya sa lakas. Napunta ang bola sa kalaban kaya kailangan naming dumepensa. Mabilis ang mata ko sa pagsunod kung saan pupunta ang binabantayan ko, masyado itong maliksi pero nakakaya ko namang sabayan.

Habang nakafucos ako sa binabantayan ko ay may biglang sumingit. "Hey, ako na dito Sy. Bantayan mo si Jake." Sambit nito kaya napasunod naman iyong binabantayan ko, nakipagpalit nga ito.

"Maganda ka, Binibini." Seryuso ko lang siyang tinignan.

Wala akong paki sa pinagsasabi niya dahil matagal ko na iyong alam. "Gusto kita. Do you want a bet?" Tumaas ang kilay ko. "Kapag natalo kami, magiging boyfriend mo 'ko pero kapag naman nanalo kami magiging girlfriend kita. Ano payag?" Nakangisi ito, para siyang asong nauulol. Sarap saksakin ng alpombre, tsaka sinapain patalikod tapos tanongin 'okay kalang ba pre?'

Alam ko ang ganitong taktika at hindi ito gagana sakin. "Jaire!" Sigaw ni Bren. Pinasa kasi ng kalaban sa lalaking binabantayan ko ang bola.

Nag-dribble ito ng mabilis at walang sabit, naroon na ang bilis at control sa paghampas ng bola. Parang naglalaro lang siya, para niya lang akong pinaglalaruan. Sa inis ko ay agad akong nakabuo ng malupit-lupit na ganti. Ngumiti ako ng pagkalaki-laki na na ikinagulat niya kaya saglit siyang nawala sa huwesyo, kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para maagaw ang bola.

Nakangisi ako at tumira ng faid away shot...

"2 POINTS FOR MS. LAZARUS!"

Natulala bigla ang mga kakampi ko, ang nga gago. Binatukan ko nga. "Aray! Jaire, naman.." Si Duri.


"Galing ah, nalusutan mo si Koleen bago 'yon." Sambit naman ni Khen.

"Tsk!" Tumaas lang sulok ng labi ko bago bumaling sa lalaking binabantayan ko. "Huwag kang mamangha, isa lang iyon sa taktikang ginagamit ko. I'll make some suggestions for you.." Marahan kong sabi. "If we win, gusto kong pautangin mo 'ko nang limang libo." Nangunot ang noo nito. "Pero kapag natalo kami ay bibigyan kita ng eroplano."

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now