CHAPTER 19

3K 67 1
                                    

ENJOY READING!

————




Akira Jaire Lazarus

"TAYO NA." Ani ni Keyrel na sobrang excited.

Maaga talaga akong ginising ni babaita, alas-5 palang ng umaga ay nambulabog siya nang tulog pinaghahampas ba naman ako, sino ang hindi gigising sa ganon! Napabangon nalang ako ng wala sa sarili at pinilit ang sariling magayos ng gamit.

Kakatapos ko lang isilid sa bag ang tatlong paris ko ng damit bago naghilamos at nagsipilyo. Gusto ko pa rin talagang humiga at matulog.

"Jaire bilisan mo! Nakaalis na sila Madame!" Sigaw nito mula sa labas ng pinto.

Bagot kong kinuha ang bag bago lumabas ng kwarto.

Ka-badtrip naman nito!

Naabutan ko si Keyrel na nagmamadaling lumabas ng mansyon. Lakad-takbo naman ang ginawa ko para masundan siya, paglabas ko ay natanaw ko nalang ang dalawang kotse at sina Aleos at Ales na kasama ang apat na itlog, si Seb, Calib, Jiro at Light.

Palapit na rin si Keyrel habang buhat-buhat ang malaki niyang bag. Hindi ko alam kung anong laman niyon, mukhang nagdala pa yata siya ng napakaraming damit. Mga babae nga naman.

Lumakad nalang ako palapit sa kanila. Napataas ang kilay ko ng salubungin ni Ales si Keyrel ng halik sa labi, agad umasim ang mukha ko at iniwas ang tingin sa kanila. Nakakasuka! Shit!

"Get a room, Par!" Rinig kong sigaw ni Calib ng makalapit ako.

Nagtawanan naman sila bago napatingin sakin. Pinanlakihan ko sila ng mata. "Gusto niyo bang mawalan ng mata?" Tanong ko.

"Huwag niyo nalang siyang pansinin, meron kasi siya — ah hehe."

Agad kong tinignan ng masama si Keyrel ng magsalita siya.

"Badtrip kana naman Jaire!"

"Ganyan talaga mga babae, ganyan kasi sakin si Naze kapag may dalaw. Minsan mabait, minsan naman bigla nalang nagagalit ng walang dahilan." Dagdag pa ni Calib sa Sinabi ni Light.

Eh, kung palamunin ko kaya 'to ng kamao.

"I think my brother is gonna be your badtrip reliever."

May sa hayop talaga 'to si Alessandro. Nagtawanan na naman sila habang may pahampas sa katabi. Nakakapanginit na naman ng ulo. Ngayon pa talaga nila napiling mam-badtrip ngayon pa na kulang ako sa tulog, ika nga magbiro ka sa lasing huwag lang sa bagong gising.

"Guys, we need to go malayo pa ang byahe natin." Ani ni Jiro.

"Let's go Hon?"

Hon, huh? Ano 'yon bihon?

Nginiwian ko sila Alessandro at Keyrel ng inaya nito ang babae sa isang kotse. Tumingin pa muna sakin si Keyrel at nginitian ako ng nakakaloko bago sumunod ay Ales, sumakay sila sa shotgun seat.

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now