CHAPTER 4

4K 90 0
                                    

ENJOR READING!

————


ARAW NG byernes at bukas na ang nakatakdang araw ng kaarawan ni Madame Alice. Sa halos dalawang linggo ay hindi ko nakita ni anino ni Señorito Racs at ni Señorito Ales, madalas hindi sila umuuwi. Pero naging pabor naman iyon saakin dahil ayuko rin namang makita ang mga pagmumukha nila.

'Asus.. Sige Jaire itanggi mo.'

"Fuck you, shut up!" Bulalas ko na halos iuntog ko na ang ulo sa pader.

Nasa ilalim ako ng shower habang nagiisip kong paano ko matyetyempohan ang lalaking iyon. Sumasakit ang ulo ko. Siguradong mahihirapan ako na patayin siya. Paano ko naman siya mapapatay kung wala siya dito sa mansyon niya? At kung iniiwasan ko siya dahil sa takot na maulit muli ang nangyari sa kusina.

"Pinapasakit mo ang ulo ko, Racs— Aleoscar kung sino kaman na hinayupak ka! Dami mo din kasing alam." Habang nagsasabon ako ng katawan ay bigla akong napahawak sakin leeg.

Para akong nakuryente ng maalala kung paano niya dinilaan ang panga ko pababa sa leeg. Nanlaki ang mata ko ng maalala na naman iyon, gagong lalaki 'yon. Bastos! Dalidali kong tinapos ang paliligo bago nagbihis ng pajama at sando.

"Bilis mo naman, Girl." Saad ni Keyrel paglabas ko ng banyo.

Pinaikot ko muna ang tuwalya sa buhok bago siya tinignan. "Hindi ako pwedeng bumabad sa tubig, mabilis akong magkasakit." Sambit ko at dumeretso sa higaan ko.

"Oh, is that so.." Rinig kong sabi ni Keyrel bago siya pumasok sa banyo.

Dahil maaga daw ang alis namin bukas para makapagprepare na rin para sa party dahil lahat ng katulong sa mansyon ay imbitado. Nakikita ko sa masayang mukha ni Madame na excited na siya sa kaarawan niya, tiyak na maraming tao at may matataas na posisyon ang maaring nandoon bukas. Sa mga nagdaan kong misyon ay ngayon nalang ulit ako dadalo sa mga ganito na ako lang magisa kasi dati ay magkakasama kami sa misyon nila Red, hindi kami mapaghiwalay na apat si Poison at Gaz.

Hindi ko maiwasang malungkot dahil nangungulila ako sa kanila, hindi ako sanay na hindi sila kasama. 'Yong ibang mga kasamahan namin ay may sari-sariling mundo, palibhasa ay mga inggitera.

'..Lalo na si Viper ang ahas sa grupo, sarap niyang kurutin sa singit gamit nail cutter.'

Sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko namalayang nilamon na ako ng antok at nakatulog.

●●●

[SATURDAY 7:30 AM]


KANINA ay nagsidatingan ang napakaraming bodyguard ni Madame at kasama na doon si Kelra. Nakakairita rin ang isang 'to. Ngingisingi ito saakin na para bang may nakakatuwa sa mukha ko.

Nandito na kaming lahat sa labas sa malapad na garahe ng mansyon hinihintay na bumaba si Madame. Nakasuot lang ako ng ripped jeans at oversized t-shirt.

"Girl, may damit kana ba para mamaya?" Tanong ni Keyrel.

Umiling ako.

"Bakit wala? Ano kaba naman?! Bakit hindi ka nagdala? Wala ka bang damit, gusto mo pahiramin nalang kita?..." Ito na naman po siya.

"Ayos lang, hindi ako komportable sa mga ganyang damit.." Ngumiwi ako sabay pinasadahan ang suot niya.

Tinaasan niya ako ng kilay saka pinasadahan rin ng tingin ang suot ko. "At hindi rin naman ako komportable sa mga ganyan.."

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now