CHAPTER 8

3.5K 70 0
                                    

ENJOY READING!

————

HINAWAKAN niya ng mahigpit ang mask ko pero bago niya pa iyon matanggal ay inumpog ko ng malakas ang ulo ko sa ulo niya. Napabitaw siya sakin kaya sinamantala ko iyon at agad binunot ang nakatagong swiss knife sa tagiliran ko saka siya inataki. Napaatras ito habang inaalog ang ulo.

Ang lakas ng paghaha-headbutt ko sa kanya parang nakabukol pa ako pero mas malala ngalang ang sa kanya. Nagdudugo ang noo nito at tumutulo iyon sa sahig habang umaatras siya. At gusto kong suntukin ang sarili dahil nakakaramdam ako ng guilt, dati naman ay normal na ito saakin, pinapatay ko ang target ng hindi kumukurap. Baka ito ang epekto ng pag-headbutt ko sa kanya.

Shotanginaaa, hindi ito pwede!

Nang umangat ang tingin nito saakin ay sumalubong ang mata niyang walang buhay na nakatingin sakin. Ito ang unang beses na tinignan niya ako ng ganon, wala na ang mapaglarong ngisi nito at napalitan ng nakakatakot na tingin. Yong tipong panginginigan ka ng lamang-loob.

Naglakad ako papalapit sa kanya habang hindi pinuputol ang titigan namin at nang makalapit ako sa kanya ay walang habas na ibinaon ko ang kotselyo na hawak ko sa tyan niya. Hinugot ko pa ulit ito at ibinaon ulit. Tsaka ko lang siya binitawan. Nanghihina itong napasandal sa pader habang hawak ang kotselyo na nanatiling nasa tyan niya pa rin.

Napalunok ako, unti-unting umatras hanggang. Dali-dali kong kinuha ang baril na nasa ilalim ng kama tsaka iyon sinukbit sa aking tagiliran. Tumingin ako ulit sa pwesto ni Racs, umaagos ang dugo nito sa binti, sa tyan, sa noo. Napapikit ako ng mariin habang ginakastigo ang sarili.

Bweset! Bat ako nakakaramdam ng awa?! Ano ba itong ginagawa ko?! Putangina, na gi-guilty ako!

Pagmulat ko ay tumakbo ako sa center table niya na may landline at may tinawagan doon. "Gonzalo Village 911, what's the exact adress -.

"- GONZALO'S MANSION NOW!" Agad kong pinatay ang tawag bago tumayo at walang lingon-lingon na binuksan ang veranda saka tumalon pababa.

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa. Kahit sarili ko ay hindi ko na maintindihan. Ang bobo-bobo ko ayon na, eh. Mamamatay na 'yon, tapos... Putangina!

Tumakbo ako palayo at saka kinuha ang itim kong takip sa ulo. Tumigil lang ako nang matanaw ko ang gate, nagtago ako sa pader habang hinahalukay ang dala kong bag kinuha ko ang jacket ko na sinuot ko kanina saka ang padjama ko bago iyon sinuot. Hinintay kong dumaan ang tinawagan ko kanina.

Tangina, ang tagal naman..

Nang may marinig akong sasakyan ay pasimple akong sumilip at nakita ko na nga, mabilis na pinagbuksan ito ng dalawang guard bago iyon mabilis na nawala sa paningin ko. Siguro naman okay, na 'yon.

Kaya lang...

Paano ako? Ang 100k ko?! Pera na naging bato pa, sinabunutan ko ang sarili bago lumakad papunta sa gate.

Nakita ako ng dalawang guard. Tinignan ko sila ng masama. "Saan ka pupunta miss?"

Hindi yata nila ako nakikila mabuti naman..

"Lalabas, bakit may angal?" Singhal ko, taranta nilang binuksan ang gate para sakin. Hindi ko na sila pinansin at dumeretso ng lakad. Hinagilap ko naman ang celpon sa bulsa ko ng maramdaman itong nag-vibrate.

From Gyzer:
Walk to the white van in the corner.

Nilibot ko ang tingin at may nakita nga aking Van na puti sa hindi kalayoan. Sinilid ko sa bulsa ang celpon bago lumapit sa sakyan. Maraming poste ng ilaw dito at maliwanag talaga. Ang yaman talaga, Oo!

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now