CHAPTER 16

3.1K 74 2
                                    

ENJOY READING!

————

Kiara Jaire Lazarus

SA KA ILALIMAN ng tulog ko ay biglang may maramdaman akong humahawak ng paa ko. Parang minamasahi ito. Nangunot ang noo ko at agad napamulat. Medyo hindi ko pa maaninag hanggang sa luminaw at agad akong napasiksik sa headboard ng kama ng makita siya.

"What are you doing?"

"Massaging your feet?" Tinaasan ako nito ng kilay.

Napahilamos ako sa mukha ko. "Come on, get up... I cook your breakfast." Sabi nito at tinuro ang tray na nakapatong sa kama ni Keyrel.

May laman iyong isang basong gatas, pancake, sinangag na kanin, ham at isda. Naglaway ako bigla sa pancake at sinangag, amoy na amoy ko ang aroma nito.

Tinignan ko ulit si Aleos. "Ikaw ba talaga nagluto?" Tinaasan ko siya ng kilay.

He showed me his infamous smirk. "Yes, of course. Come on, I know you will like it." He proudly said.

Pinigilan kong huwag mangiti pero nahuli na niya ako. "Tss. Pwede pabangonin mo muna ako?" Napailing nalang siya at hinayaan ako.

Bumangon ako at dumeretso sa banyo para magmumug ay maghilamos na rin bago lumabas. Paglabas ko ng banyo ay nandon pa rin si Aleos sa kama ko at nakahiga na habang yakap ang unan ko. Aba't ang kapal talaga!

"Hoy! Bumangon ka nga d'yan, doon ka matulog sa kwarto mo." Asik ko.

Nagpamewang pa ako sa harap niya pero ngumisi lang ang depunggal. "Try harder, baby..."

Sungal-ngalin ko kaya 'to!

"Gago ka ba?!"

Kinagat nito ang pangibabang labi parang inaakit ako. "Gwapo naman."

Lumaki butas ng ilong ko sa asar. Gusto ko siyang hambalusin ng kaserola pero wala namang kaserola dito.

I clench my jaw and grit my teeth. "Gwapo nga pero gago!"

Napapikit ito akala ko maasar siya pero hindi kabaliktaran noon ang reaksyon ng gago. Umalingawngaw ang halakhak nito sa silid, nakahawak ito sa tyan habang tumatawa. Saglit akong natigilan dahil nakikita ko na totoong masaya siya, ngayon lang ito tumawa ng ganon. Ni minsan ay hindi ko nakitang tumawa siya katulad nito.

Pero tangina pa rin talaga, sarap niya pa ring hambalusin...

Kinuha ko ang unan at hinampas sa kanya. "Hey! Hey! Stop! Oh—Fúck!"

Nang mapagod ako kakahampas sa kanya ay umupo ako sa kama ni Keyrel at tinignan siya ng masama. Kita ko pa rin ang aliw sa mga mata, malamlam ito habang nakatingin sakin.

Nginuso niya ang tray sa gilid ko. "Eat, Kiara Jaire. Your food is getting cold."

Napairap ako at hinarap ang pagkaing hinanda niya. Ayuko ng tumanggi, sayang ang grasya tsaka mukhang masarap naman. Sinimulan kong tikman ang pancake na may strawberry syrup pa sa ibabaw. Sarap!

Sinulyapan ko si Aleos na nahuling nakatitig sa akin habang may ngisi sa labi.

Mukhang inaabangan nito ang magiging reaksyon ko sa luto niya pero sorry nalang siya dahil hindi ko iyon papakita sa kanya. Nagsimula na akong kumain habang sinusulyapan ang lalaki, pinagsawalang bahala ko nalang ang presensiya niya dahil alam kong nakatingin ito sa bawat galaw ko.

"Pwede ka ng umalis, ako ng bahala dito sa dala mo." Ani ko sabay sulyap sa kanya.

His chin resting on his palm, smirking at me like he was enjoying watching me. "Nah, maybe later. I want to tell you something."

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now