CHAPTER 10

3.3K 82 0
                                    

ENJOY READING!

————

Aleoscar Nixon Gonzalo

TATLONG ARAW na ang nakakalipas mula ng pinasok ako ng hindi ko kilalang tao sa mismong bahay ko. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakalabas ng ospital, ayaw akong palabasin ni mommy noong nagpumilit ako na lumabas.

Ang pinatatakhan ko lang ng magising ako ay tinanong ako ni mom kung ako daw ba ang tumawag ng 911 dahil kasi 'yon daw ang sabi ng mga ito sa kanila. Pero ang sabi ng mga ito ay boses babae ang tumawag sa kanila ng mga oras ng gabing iyon. Baka ang nagbalak na patayin ako at ang tumawag sa 911 ay iisa, tsaka bakit naman niya ako tutulungan kung may balak siyang patayin ako?

'Sino na naman kayang tarantado ang may pakana nito?..'

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at nagsipasukan ang apat na ugok.

"Boss!" Tinignan ko lang si Calib ng tawagin niya 'ko.

"What's the update on what I'm working on with you?" I asked.

Umupo ang apat sa sofa sa harap mismo ng kama ko tsaka kumuha ng mga prutas sa center table. Mga gago!

Nakita ko kung paano mapakamot sa batok si Light. "Wala pa boss, e. Nag check din kami ng CCTV sa bahay mo pero masyadong madilim sa may veranda mo, tsaka hindi rin natin malalaman mukha 'non may mask." Pinadaan ko ng dila ang unahan nang ngipin ko.

Ang lakas ng loob ng babaeng iyon na pasukin ang bahay ko, nito lang isang beses na may nangyaring ganon at talagang sinadya niya ako. Impossible naman kasing makapasok siya dito sa Village. Restricted ang village at mataas ang siguridad, hindi basta pinapapasok ang mga hindi tagadito. Hindi na 'ko magugulat kong malaman na isa iyong kalaban galing sa ibang organisasyon at ako ang napiling ipatudas kong sino man ang nasalikod nang lahat ng ito.

"So, you didn't get anything? Just say you, then?" Kunotnoong tanong ko.

Napabuga ng kinakain si Sebastian. "Gross! Tangina ka, kadiri ka." Reklamo agad ng isang ugok. Si Calib.

Tumikhim si Jiro kaya sa kanya ako bumaling. "Ah... Boss, pumunta nga kami sa bahay mo tsaka nagimbistiga sa kwarto mo kung saan kayo nagsagupaan ng gustong pumatay sayo tapos nalaman namin na..." Para itong nagaalinlangan kung sasabihin ba o hindi.

"What?!"

"...nang gabing sinugod ka namin sa ospital ay kasabay noon ang pagkawala ni Kiara.." Nagsalubong lalo ang kilay ko sa dinugtong niya.

"Who's fucking Kiara?!"

Napaigta ang tatlo dahil sa pagsigaw ko. Nabilaukan si Sebastian sa kinakain at para namang natuod si Light habang si Calib nagkamot ng ulo.

Tumingin ulit ako kay Jiro. "Iyong bago niyong maid boss, siya ang nakita natin sa hotel noon na pababa sa exit.." Bumagal ang paghinga ko.

Kumuyom bigla ang mga kamao ko at hindi napigilan na hablutin ang karayum sa kamay ko at pinagbabato ang lahat ng mahawakan ko. Ramdam ko naman na nataranta ang apat. 

"BOSS!" Sigaw nila pero hindi ako nakinig at pinagsusuntok ang pader hanggang sa mamanhid sa hapdi ang kamao ko na ngayon ay dumudugo.

Nakasandig ang noo ko sa pader habang nakatukod ang isang kamao. Biglang kumalabog ang pinto at nagsipasukan ang mga nurse. Binato ko sa kanila ang center table na malapit sa kama ko na agad naman nilang kinaatras. Nanghihina na napaatras ako at napasandig nalang sa pader sa aking likod bago dahan-dahan na napasalampak sa malamig na tiles.

ALEOSCAR'S OBSESSION [ON-GOING]Where stories live. Discover now