SIMULA

8.1K 105 7
                                    

WARNING: VULGAR WORDS AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK!!


"ATE gabi na a' aalis ka?" Tanong ng usisero kong kapatid na si Mike Habang pababa ako sa hagdan.

"Pake mo ba!" Nakapamaywang kong sagot.

"Pupuntahan mo na naman siguro 'yong pangit mong boyfriend 'no?"

"Hoy! hindi pangit si Nick! ikaw nga diyan ang pangit e'," depensa ko saka siya tinalikuran.

"Heh! ang pangit kaya no'n saka—" naputol 'yong dapat  niyang sabihin nang sumigaw si mama galing kusina.

"Mike! tumigil ka nga sa kakaasar diyan sa boyfriend ng ate mo, baka mahampas kita ng sandok diyan!" Sigaw ni mama dahilan para tumigil si Mark sa kakadada.

"Nagtatanong lang eh." Kamot niya sa ulo at pumanhik na sa itaas.

Inilingan ko nalang siya. Pumunta ako sa kusina para magpapaalam sana kay mama.

Hindi kalakihan ang aming bahay. Sapat lang para saaming tatlo. May tatlong kwarto sa itaas na hindi masyadong kalakihan. May tamang laki ng sala at saka kusina.

Guro ang pangunahing trabaho ng aking ina. Nakapagtapos ako saaking pag-aaral ng dahil sakanya. At ngayon isa na akong nurse sa isang pribadong ospital. Habang ‘yong kapatid ko na si Mike ay isa ng first year college.

"Ma, alis muna ako ah,” pagpapaalam ko sakanya sabay halik sa pisngi.

Abala si mama sa pagluluto ng hapunan. Adobong manok ang kanyang niluto.

My favorite.

"Hindi ka ba rito kakain?" Tanong nito habang abala ito sa paghahalo.

Ang bango naman.

"'Di na ma, saka kumain po ako kanina kaya busog pa po ako."

Kahit ang totoo ay gusto ko ng kumain. Kaso may pupuntahan ako at saka ayaw ko namang malate.

“Saan ka nga pala pupunta, anak?”

“Kay Nick po, Ma. Balak ko sana siyang surpresahin ngayon kasi third anniversary namin,” masaya kong saad.

"O' siya, mag-ingat ka ah," Papaalala niya sakin.

"Opo,” sagot ko at tumalikod na. “Hoy Mike! alis na ako!" Sigaw ko sa kapatid ko.

"Umalis ka na, para wala nang pangit dito sa bahay!" Pabalik niyang sigaw sa’kin.

Tsk!

Loko talaga, siya lang naman ang pangit saaming dalawa!

I’m known to have a very lovable, caring and supportive Mama Michelle. At si Mike? Kahit napaka-usisero no'n mahal na mahal ko parin ang pangit na ‘yon.

Kami nalang kasi tatlo. At si mama ang bumubuhay saamin. Siya ang nagpapa-aral saamin magkapatid. At sobrang kong pinasasalamat kay God dahil binigyan niya ako ng mabuti at mapagmahal na ina.

Matagal na kasing wala si papa. Nauna ng umakyat sa langit. Ten years old pa lang ako no'ng nawala na si papa. Pero kahit wala na si papa masaya pa rin ako dahil nandiyan si mama at saka si Mike. Ngunit, minsan talaga hindi ko maiwasan malungkot lalo na kapag naaalala ko si papa.

Lalo na si mama. Alam kong namimiss niya rin si papa. Pero ibinaling niya nalang ang lahat ng atensyon sa'min para hindi na siya magiging malungkot.

Bumaba na ako sa aking minamanehong sasakyan nang makarating na ako kung saan ang condo unit ni Nick. At sumakay na sa elevator patungo sa unit ni Nick or known as Dominique Guanzon. We've been together for three years at ngayon ang ika-third  anniversary namin. I want to surprise him that's why I'm here.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Where stories live. Discover now