CHAPTER 1

6.3K 88 2
                                    

WE were happy back then, and I can't believe that everything will turn out like this. I do still love him but every time I think of him I remember the pain he made me feel. And I remembered what they did to me, it was as if I had been stabbed many times.

Who would've thought that the person I love would be the one to make me feel this way.

Sa tinatagal-tagal magkarelasyon kami ni Nick. Ni wala sa isip ko na magtaksil siya sa'kin. Mahal niya ako at naramdaman ko iyon. Kahit may bagay kaming madalas pag-awayan nareresolba rin namin iyon. Sa tatlong taon naming magkarelasyon. Naramdaman ko ang pagmamahal ng isang Dominique Guanzon. Naramdaman ko na mahalaga ako sakanya.

Pero nang makita ko ang pangyayaring iyon. Parang nasabi ko sa sarili ko na hindi sapat ang kanyang pagmamahal para sa'kin. Bakit madali lang sakanya ang gumawa ng kagaguhan? Ni minsan ba hindi niya naisip na may girlfriend siya? Hindi niya ba kayang paligayahin ang kanyang sarili at kailangan pa na ang sekretarya niya ang gumawa?

Sa tatlong taon naming magkarelasyon nagawa nila akong pagtaksilan! Nagawa nilang gumawa ng kahay*pan! Kung hindi ko pa nadatnan kahapon ang ginawa nila kami pa siguro ni Nick ngayon. Hanggang ngayon siguro naging bulag ako sa pangyayari. Hanggang ngayon siguro wala akong kaalam-alam.

Naputol nalang ang iniisip ko nang biglang may pumalakpak sa harapan ko. Saka ko nalang namalayan na inilapit nito ang mukha niya sa'kin at tinitigan ako.

"Ano bang iniisip mo? Kanina pa ako nagsasalita dito kung ano ang gagawin natin sa isla tapos hindi ka pala nakikinig," nakangusong saad nito na halatang nagtatampo. 

Sakanya ako pumunta matapos ang nangyari roon sa condo ni Nick. Kay Hera ako pumunta. Wala na kasi akong ibang taong naisip kun'di siya. Pinsan ko siya, iyong ina niya ay nakakatandang kapatid ni mama. Matapos kong sabihin sakanya ang nangyaring hiwalayan namin ni Dominique. Naisipan niya agad na ilayo ako para makapag-isip ng maayos.

I sighed. "Pasensya na, May iniisip lang ako."

Kung bakit naman kasi hindi ko mabigyang atensyon ang paligid. At si Nick pa rin ang iniisip.

"Alam ko," She said. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay saka pinipisil. “Mikay nandito tayo para magsaya. Para kalimutan siya, paano mo makakalimutan si Nick kung hanggang dito sa isla iniisip mo pa rin siya."

Tama siya. Paano ko nga ba makakalimutan si Nick kung iniisip ko pa rin siya hanggang ngayon. Paano ko mapagtuonan ng atensyon ang ibang bagay kung lagi siyang pumapasok sa isip ko.

"Sorry I can't help it, but yeah you're right. I should stop thinking of him," I answered while nodding my head.

Nakasakay kami ngayon sa bangka patungong Serenity Beach Resort. Ang gusto ko lang sa oras na ito ay makahinga at makalanghap ng sariwang hangin. Ayaw kong makalanghap ng hanging may dalang kalandian at kagag*han doon sa maynila.

Bigla akong napahawak saaking dibdib nang   biglang sumigaw si Hera.

“Mikay we're here!" She exclaimed.

Para siyang batang patalon talon. Nakakahawa ang pagiging excited niya. Pinagmasdan ko ang isla na tinutukoy niya. Maraming punong-kahoy. Napakagandang pagmasdan ang mga makukulay na bulaklak, mga matataas na coconut tree. Mga babaeng naka two piece na ine-enjoy ang paglangoy. At masasayang pamilya sa cottage.

"Wow."

Hera was right, Serenity Island is so beautiful. This island never fails to astonish me.

"Michaela, halika kana!” she shouted at me. At iniwan na ako.

Napailing nalang ako. Sobrang ganda talaga ng isla. Para gusto ko nalang tuloy tumira dito. Masyadong maganda sa mata ang paligid. Nakakabighani ang ganda ng isla. Malawak ito at mayroong iba't ibang klaseng activities. Mayroon ding swimming pools na para sa mga adult at para sa mga bata.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon