CHAPTER 27

3.6K 46 0
                                    

"NO need, Chester. I assured you that I'll be okay," I chuckled.

Rinig na rinig ko ang malakas na buntong-hininga nito sa kabilang linya.

"But...fine. Just please, be safe muffin. Wala pa naman ako d'yan sa tabi mo," he worriedly said.

May business trip kasi sila sa batangas. He will stay there for four days. Gusto nga niya akong isama. But I declined, marami kaming aasikasuhin sa hospital. At saka baka ma out of place lang ako lalo na't halos ang mga kasama niya ay mga business tycoon kagaya niya.

Gusto niya kasing mag-hire ng driver para maghatid-sundo saakin sa trabaho. Hindi ako pumayag kasi may sasakyan rin naman ako. Matagal-tagal ko na rin iyon hindi nagagamit. Buti naman at ginagamit iyon ni Mike para hindi lang matambak  saaming garahe.

"I'll hire a bodyguard for you then. If it's okay with you."

Napairap naman ako sa sinabi nito.

"It's not okay for me. Wala namang masamang mangyayari saakin..."

May nagpapadala lang ng babala saakin. Gusto ko iyan sabihin sakanya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong mag-alala siya saakin.

"You're just over-reacting Chester. No need to hire a bodyguard please. I'm no damsel in distress. I can handle myself."

"Fine," he said in a low tone na para bang napipilitang pumayag. "Just always reply to my text and always answer my calls, muffin."

"I will if I'm not busy with work," natatawa kong saad.

I heard him groan on the other line.

"I'm also busy and you know that," paalala ko sakanya.

"But...reply to me as much as possible 'kay?"

"I surely will."

It's already 8:45 Am. At nasa bahay pa ako. Mga 9:30 Am talaga iyong shift ko hanggang 6:30 in the evening. Mag-isa nalang ako sa bahay dahil si mama pumasok na rin sa school para magturo. Magkasabay sila ng kapatid ko kasi iisang school lang din naman ang pupuntahan nila.

Nang makuha ko na ang susi sa kwarto. Ni-lock ko muna ang bahay saka pumunta sa hindi kalakihan naming garahe kung saan  naka-park ang aking sasakyan. Nasa loob na kasi ng sasakyan ang bag ko. Ang susi lang talaga ang binalikan ko sa kwarto.

"I already miss you, muffin."

Napangiti naman ako sa sinabi nito. At naramdaman ko naman ang pag-init ng aking pisngi. Kaya napailing nalang ako.

Binuksan ko ang driver seat at pumasok saka ko siya sinagot.

"Nagkita pa lang tayo kagabi," mahinahon kong saad. Kahit sa kaloob-looban ko ay nagdiriwang na sa sobrang kilig.

Narinig ko siyang nagmura sa kabilang linya kaya napahagikhik naman ako.

"Tangina! Pakiramdam ko isang linggo na kitang hindi nakikita. And four days being here without you is like hell, muffin!"

"Ewan ko sayo Chester. Para ka nang tanga diyan."

"Sa'yo lang naman ako ganito."

I already can imagine his face saying that. Namumungay ang asul na mata at bahagyang nakanguso ang labi. Crap! He's too cute.

"Oo na, saakin na kung saakin. By the way, I'll hang up na. Pupunta na ako ng hospital."

Narinig ko na naman ulit mukhang problemado niyang pagbuntong-hininga.

"Okay, just be careful please. Drive slowly and keep your eyes on the road, muffin. I love you."

"I will and I love you too!" I answered with a jolly tone and after that I ended the call.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon