CHAPTER 31

3.2K 34 1
                                    

ALL this time, ang pamilyang kinamumuhian ko ay ang pamilya pala ng lalaking mahal ko. Ang pamilyang ayaw kong mapatawad ay ang pamilyang kinabibilangan pala ni Chester.

Ang lalaking gusto kong pagbayarin sana sa pagkamatay ng aking ama. Kasi nang dahil sa kanila namatay ang aking ama ay siya palang lalaking minahal ko ngayon. Ang siyang lalaking magiging ama ng aking anak. Ang siyang lalaking akala ko makakasama  ko na sana habangbuhay.

Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit sila pa? Bakit siya pa?

Talagang pinagtagpo kami ng tadhana pero sa isang komplikadong panahon.

They're the reason why my father died on my special day.

Malakas akong napahagulhol sa loob ng aking sasakyan.

Matapos hagurin ni Dominique ang aking likuran. Mabilis ang kilos ko na sumampa saaking sasakyan at pinaharurot iyon paalis. Hindi ko na pinakinggan ang sigaw ni Nick at nagpatuloy lang sa pagmamaneho patungo sa condo ni Chester.

Alam ba niya?

Alam ba niya na ako ang anak ng lalaking pinatay ng kanyang magulang?

Matagal niya na bang alam at inilihim lang saakin?

May pinaplano ba siyang masama saakin? Gusto niya bang masaktan ako?

Did he plan all this to make me feel hurt?

Kung gano'n, edi nagtagumpay siya.

Nanlabo ang aking mata dahil sa luha ko na walang tigil sa pagtulo. I wiped my tears and breathed deeply.

Calm yourself, Mikay. Don't stress yourself, there's a life inside you.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang kumakawalang hikbi.

Kahit sa pagmamaneho ko wala akong ibang inisip kung ano ba ang mangyayari saamin ni Chester. Gusto kung sabihin niya saaking hindi totoo ang pinagsasabi ni Nick. I want him to assure me that they're not the family that Nick's talking about. I want him to tell me that it's all a lie.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa condo ni Chester na walang ibang inisip kun'di ang mga sinasabi ni Dominique kanina.

I bit my lower lip to suppress my sob. Inangat ko na ang kamay ko sa ere para sana katukin ang  pinto. Ngunit parang nanghina ang aking kamay.

Pinakalma ko muna ang aking sarili. Saka ulit inangat ang aking kamay para kumatok.

I knock three times and wait 'till Chester open the door. And that's it, he did open the door.

Laking gulat niya nang makita ako. Lalo na't maga ang aking mata at halatang kakaiyak pa lang.

"Muffin?"

I didn't give him a chance to ask 'bout what happened to me. At deri-deritsong pumasok sa loob. I heard him close his door.

Nakatalikod ako sakanya, ngunit ramdam ko ang kanyang presensya saaking likuran na patuloy akong nilapitan. Nang maramdaman kong kunti nalang ang layo hinarap ko siya.

And damn, my tears always betrayed me!

Shocked, confused, worried and anger. Iyan ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon.

Dali-dali niya akong nilapitan at hinawakan ang dalawa kong balikat.

"M-Muffin? what the fuck! Why are you crying? Who the hell did this to you?" Sunod-sunod niyang tanong.

Walang ni isang salita ang lumabas saaking bibig at patuloy lang na nakatitig sakanya. Nang hindi ako sumagot. He frustratedly brushed his hair using his finger.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Where stories live. Discover now