CHAPTER 4

4.6K 80 0
                                    

KUNG sabihan ko nalang kaya si Hera na iba nalang ang gawin namin. Hindi ko talaga ata kaya ang zip line. Naiisip ko pa lang parang nasa isang hukay na ang isa kong paa. Hindi ko alam kong bakit nasisiyahan ang iba kapag nagzi-zip line. Samantalang ako, nanlalamig na sa kaba.

Pabalik na ako sa may starting ng zip line. Pero wala akong naaninaw niisang anino ni Hera. Habang papalapit, palinga-linga ako. Baka sakaling nasa tabi-tabi lang siya. Pero wala talaga si Hera.

Nabigla nalang ako nang may kumalabit saakin.

"Ma'am, 'yong kaibigan niyo po ba ang hinahanap niyo?" Tanong nito sa'kin. I assumed that he's one of the staff sa zip line base na rin sa suot nitong T-shirt na kapareho no'ng ibang kasamahan nito.

Napakunot noo ako. Si Hera ba ang tinutukoy nito?

"Uhm...kuya, 'yong maikli po ba ang buhok? Tapos nakajacket na grey at may hawak na camera?" I asked.

"Opo ma'am, siya ho."

I nodded. "Sige kuya, salamat."

"Walang anuman ho ma'am. Saka pinapasabi ho niya na sumunod nalang daw kayo."

Teka, Ano?!

"You mean, sasakay ako?!" Biglaan kong pagsigaw.

Medyo nagulat si kuya sa biglaan kong pagsigaw kaya tumikhim ako. Napatango naman si kuya.

"Maghihintay daw ho siya sa dulo ma'am."

Anak ng...
Gusto ba ni Hera na patayin ako sa kaba?

Alam naman nito na napipilitan lang ako. Tapos gusto niya pang tumuloy ako. Paano ako tutuloy kung wala siya, saka hindi naman pwedeng sumakay ng mag-isa. Sino ba ang kasabay ng babaeng iyon.

"Ah...eh...kuya, wala bang daan para makapunta sa dulo?" Tanong ko.

"Meron po ma'am."

I sighed. Meron naman pala.

"Pero malayo po ma'am kailangan niyo pong lumakad ng ilang kilometro.

WHAT!? GANO'N KALAYO!?

"W-Wla po bang sasakyan na pwedeng
masakyan?"

"Wala po ma'am eh," saad nito saka napahawak sa batok.

Seryoso? Maglalakad talaga? Ni isang sasakyan wala talagang masakyan patungo doon?

Unti unti na talaga akong nawalan ng pag-asa. Ayaw ko namang maglakad. Ayaw ko rin namang sumakay sa zip line.

Saan ba ako lulugar?

Napakagat labi nalang ako. "Kuya, sino naman po magiging kapareha ko? Parang ako nalang ata mag-isa dito eh," saad ko habang pinalibot ang tingin.

Apat na staff nalang kasi sa zip line ang meron dito at kasama na rito si kuya na nasa harapan ko.

"Sakatunayan po ma'am nandito na siya," saad ni kuya habang may tinitignan sa likuran ko.

Kunot-noo naman akong napabaling sa likuran. Sino naman 'tong malas na maka-partner ko sa zip line.

My jaw literally dropped when I saw the person behind me. Bakit sa lahat ng tao itong balasubas pa ang naging partner ko! Baka mapahiya na naman ako ng 'di oras. Hindi ko pa nga nakalimutan ang pambu-buwesit nito saakin.

Nakasuot ito ng black cargo short at white T-shirt. Nakaayos din ang buhok nito. Ang mga asul na matang kumikislap kapag nasisinagan ng araw. Parang kang malulunod sa oras na titigan mo ang mga mata nito. 

Bumalik ako sa katinuan ko nang magsalita si Mr. Assuming. Yes, Mr. Assuming kasi napaka assumero niya talaga. Akala mo kung sinong gwapo hmp!

"Shut your mouth woman, baka mapasukan ng langaw," he smirked. Saka ako nilampasan.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon