CHAPTER 7

4.1K 53 2
                                    

IT'S ALREADY early in the evening. Tapos na kaming kumain ng dinner. Um-order nalang kami at dito namin kinain sa loob. Pagkatapos no'n ay nauna na akong naligo. Gusto kasi ni Hera na mauna na akong maligo kasi mabagal daw akong kumilos.

After kong maligo, nakaroba lang ako paglabas ng banyo at abala ako sa pagpupunas sa mahaba kong buhok gamit ang tuwalya. Pagkakita saakin ni Hera, tinaasan lang ako ng kilay saka tumayo dala-dala ang puting tuwalya nito saka pumasok sa banyo upang maligo.

Sinabit ko muna ang tuwalya saka ako umupo sa harapan ng salamin. Kinuha ko ang suklay saka sinuklayan ang mahaba at tuwid kong buhok. Hanggang bewang ko na ang taas nito. Napatigil ako sa pagsuklay at tinitigan ang sarili sa salamin.

Biglang kumirot ang puso ko. Naaalala ko naman ang sinabi ni Cindy nang gabing iyon. Parang ume-echo ang sinabi niya sa'kin. I'm ugly— trash. I'm nothing compared to her. She's sexy, pretty. Tama nga siguro siya, saka lang ako nagiging maganda kapag naka make-up at nakaayos na damit.

Hindi ko na nga matanggap na pinagpalit na niya ako. Pero mas hindi ko talaga matanggap na sinabihan akong basura.

Ni minsan ba ikinahiya ako ni Nick sa mga barkada niya dahil sa porma ko?

Dahil ba ganito ang ayos ko?

Hindi naman siguro. Kasi siya naman ang dahilan kung bakit binago ko ang pamamaraan ng pananamit ko. Nabulag ako sa pagmamahal. Kaya hinayaan kong maging sunod-sunuran sakanya.
Ramdam ko naman na mahal niya ako. Pero dahil lang sa isang bagay na hindi ko maibigay nagawa na niya iyon saakin.

He's the reason kung bakit ganito na ako manamit ngayon. He's the reason kung bakit wala na akong pakealam sa ayos ko, kasi kahit gan'on ang ayos ko sinasabihan niya pa rin ako ng maganda. Kaya kahit gan'on ang ayos ko, okay lang kasi Nick was always there boosting my confidence. And he's the reason why I change myself.

Noong bago ko pa lang sinagot si Dominique. Hindi niya ako pinapayagang sumama sa mga kaibigan ko magbar, kasi baka raw mabastos lang ako doon. Ayaw ko naman siyang pilitin kasi ayaw kong magtalo na naman kami. Saka para naman daw iyon sa ikabubuti mo, kaya hindi na ako tumutol. Ayaw na ayaw din niyang magsuot ako ng malalaswang damit o 'di kaya 'yong masyadong revealing. Hanggang sa nasanay nalang akong mag plain T-shirt 'tsaka pantalon.

Kapag sinasamahan ako nitong  pumunta sa grocery. Simpleng t-shirt at pantalon lang talaga ang suot ko. Noong una kasi, pababa pa lang ako sa hagdanan. Nakasuot ako ng T-shirt saka nakamaong short. Sinita na ako nito, kasi nakikita raw ang legs ko. Kaya wala akong nagawa kun'di ang umakyat sa itaas at magbihis. Ayaw na ayaw niyang may ibang lalaking makakita na nasa gano'ng ayos ako. Masyado siyang possessive pagdating sa'kin. I found it sweet at first pero nang kalaunan parang nasasakal ako. Pero iniisip ko nalang na wala namang masama sa pagiging possessive. Ginagawa niya lang iyon kasi mahal niya ako at totoo naman iyon.

Bigla nalang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa ro'n ang pinsan kong nakaroba habang  pinapatuyo ang maikli nitong buhok.

Pinasadahan niya ako ng tingin saka tinaasan ng kilay. "Oh? Ba't hindi ka pa nakabihis?"

I just rolled my eyes at binalik ang tingin sa salamin. Hindi ko siya sinagot. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito saka ito lumapit saakin at pumwesto sa aking likuran. Kitang-kita ko ang reaksyon nito sa salamin.

"Naisip mo ba ang sinabi ni Cindy nang gabing iyon?" She asked.

Tahimik lang akong nakatitig sa salamin. I have dark brown small eyes. My katamtamang tangos ng ilong, thin lips, may hindi kakapalang eyebrows. I sighed. Akala ko hindi ko na siya maalala ulit. Pero heto ako ngayon nakatitig salamin at naalala pa rin siya.

I sighed. "Am I pretty?"

Simula nang marinig ko ang sinabi ni Cindy parang nawalan na ako ng confidence sa sarili. Ang pangit na nang tingin ko saaking sarili.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon