CHAPTER 20

3.4K 47 0
                                    

MARAMI pa kaming pinag-usapan ni Licca. Tungkol sa mga iba't-ibang bagay. Hindi talaga nauubos ng sasabihin ang babaeng ito.

"So...how did you know Chester," she asked suddenly which made me stunned for a moment.

I put my glass first with a wine on it and wipe my mouth. Before I looked at her.

"Well, we first met on the same day we bumped into each other. I was sitting in the sun lounger and he suddenly appeared on my sight." I shrugged.

Kung alam mo lang talaga ang nangyari sa araw na iyon. Nakakainis talaga! naalala ko pa na inasar niya ako dahilan baliktad ang libro ko.

"What do you think about him?"

Medyo nanlaki ang mata ko sa tinanong niya. Saan ba talaga aabot 'tong pag-uusapan namin.

"Masyadong siyang mapang-asar pero mabait naman." Wala sa sarili kong sambit.

"Do you like him," makahulugan nitong tanong.

Mahina akong napasinghap sa tanong na iyon. Bumilis ang pintig ng aking puso. Hindi ko alam pero parang ayaw kong sagutin ang tanong na iyon.

Sa dinami-dami ng tanong hindi ko man lang naisip na ito ang itatanong niya saakin. I mean, bakit niya naman ako tatanungin ng ganyang klaseng tanong hindi ba? Lalo na't boyfriend niya itong pinag-uusapan namin.

Don't tell me...she suspected me as Chester's girl?

Oh crap! Huwag naman sana.

"N-No." I lied.

She slowly leaned her back at the backrest.

"I d-don't like him. He's handsome and kind but I don't like him. At bakit naman ako magkakagusto sa taong may girlfriend na hindi ba?" Patuloy ko at sinabayan ng pekeng tawa para hindi niya mahalata ang pagsisinungaling ko.

Napakunot-noo ito. "Girlfriend?" Sambit nito.

Tinignan ko siya sa mata at napatango. "Oo, girlfriend. Di ba ikaw ang girlfriend niya?"

She suddenly cleared her throat and drank her wine after I said those. Medyo nagtaka pa ako sa kinikilos niya pero pinagsawalang bahala ko nalang ito.

Nagpasalamat nalang talaga ako na hindi na siya nagtanong-tanong ulit tungkol kay Chester. Natatakot ako na sa oras na malaman niya ang nararamdaman ko kay Chester baka magkagulo lang at ayaw ko nun.

Hangga't kaya kung iwasan ang gulo. Iiwasan ko hanggang saaking makakaya. Ayaw ko na ako ang magiging dahilan ng pagkasira nilang dalawa.

NATAPOS ang isang linggo na lagi ko ng iniiwasan si Chester. Hindi ko alam kung napapansin na ba nito ang aking pag-iwas pero binawalewala ko nalang iyon.

Minsan kung magkakasalubong kami. Masyado itong seryoso na nakatingin saakin. Ngunit, nginingitian ko nalang siya.

Nakikita ko rin sila ni Licca na magkasama. At aamin ko, nasasaktan pa rin ako. Na dapat ay hindi pwede. Kaya ang ginagawa ko ay hindi ko pinapakita sakanila na nasasaktan ako.

Sa tuwing magkasama kami ni Hera at aksidente naming nahagip ng tingin si Licca at Chester. Lagi akong tinitignan ni Hera na may pag-aalala sa mga mata. But, I always assured her that I'm fine. Even though, there's a part of me that is always hurting whenever they're happy together.


I ALREADY settled the date kung kailan ako babalik. At napag-usapan na rin namin iyon ni Hera. And now, I want to enjoy my remaining days dahil hindi ko na ito magagawa once I go back to manila.

"Michaela!" Licca exclaimed and waved her hand. When she saw me entering the pool.

Nginitian ko siya saka binalingan ng tingin si Chester na kasama pala niya.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Where stories live. Discover now