CHAPTER 33

3.2K 47 0
                                    


LETTING your anger towards your enemy is the best feeling ever. But it doesn't mean na makakalimutan na natin ang mga masasamang idinulot nila saatin. We can forgive but we can't forget. Hindi rin naman madaling kalimutan ang mga kasalanan nila saatin. Kahit sabihin pa nating 'ibaon sa limot ang lahat' hindi pa rin madali.

Lumuha ka nang dahil sakanila. Hindi ka makatulog dahil sakanila. Na halos pabalik-balik mong tinatanong sa isip mo na;

Ito na ba ang karma ko?

Bakit nangyari saakin ito?

Do I deserve this kind of pain?

Tapos lagi mo pang tinatanong sa sarili mo ang halaga na mayroon ka. Kasi 'di ba kapag nasaktan tayo, minsan sinisisi natin ang ating sarili dahil baka tayo ang may kulang. Baka ang sarili natin ang may mali. You can't sleep at night because you're overthinking. At kapag nag o-overthink ka hindi mawawala ang mga WHAT IF's.

What if ganyan, gano'n, ganito. Nakakapagod din 'di ba? Kaya saludo ako doon sa mga taong pinili na magpatawad kahit gaano kasama ang ginawa ng nakapaligid sakanya. Because they believed that forgiving is the first step to move on. Walang maidudulot na maganda kapag patuloy ka lang nagmumukmok sa isang sulok at umiyak nang umiyak. 

Forgiving is the key. Kahit minsan tinatanong mo sa sarili mo kung karapat-dapat ba silang patawarin. Pero syempre iba-iba naman kasi tayo 'di ba? Kung ang iba kaya magpatawad, iyong iba naman hindi. Depende lang iyon e' and you can't judge them for the way they think because we're not the same. If you're brave then don't expect them to be brave also kasi hindi lahat ng tao matapang. May mahihina rin and it doesn't make them a less person.

"Cindy..." Wala sa sariling sambit ko habang nakatingin pa rin sakanya na may nanlalaking mata.

"M-Mikay..."

Tinignan ko ang may kalakihang tiyan niya. She's also expecting an angel like me, huh? Hindi ko maiwasang hindi ngumiti sa kaloob-looban.

Napansin siguro nitong nakatingin ako sakanyang tiyan. Kaya nailang itong ngumiti saakin. Sinuklian ko rin siya ng ngiti.

"How are you?" I asked.

Matagal bago siya nakasagot. Hindi siguro nito inakala na iyon ang magiging tanong ko.

Kita ko kung paano siya bahagyang lumunok bago bumuka ang kaniyang bibig.

"U-Uh...okay n-naman. Ikaw ba?"

I smiled genuinely at her. "I'm fine, pasensya ka na pala."

She chuckled a bit. "O-Okay lang."

Wala na akong ibang naisip na sasabihin sakanya kaya plano ko na lang na umalis at iwan na muna siya.

"Uh...maiwan na muna kita, have a nice day!" Pamamaalam ko at tatalikuran na sana siya nang bigla niya akong tinawag.

"T-Teka, Michaela!" Pagpapatigil niya sa'kin.

Walang pag-aalinlangan ko naman siyang hinarap. Naramdaman siguro nito na naghihintay ako sa gusto niyang sabihin. Napatikhim muna siya bago siya nagsalita.

"C-Can I...Can I invite you to lunch?" She hesitantly said.

Oh. Iyon lang pala. I looked at my wrist watch. Oras na pala para mananghalian. Naisip ko palang ang salitang 'mananghalian' parang kumalam na ang sikmura ko. Hindi ko na namalayan ang oras sa kakatingin ko sa loob.

Tinanguan ko naman siya. "Sure! Bakit naman hindi," nakangiting ani ko.

Alam ko naman na medyo naiilang siya saakin dahil hindi maganda ang huli naming pagkikita. Pero wala naman saakin iyon. Funny how I can forgive others so easily pero si Chester at ang pamilya niya hindi ko man lang mapatawad.

I shook my head and sighed deeply. I want to forgive them. Pero hindi e' ang sakit parin. Hindi naman kasi madaling patawarin sila lalo na't buhay ng aking ama ang kanilang kinuha.

My father was kind and loyal to them tapos gano'n nalang?

Pinatay lang nila ang aking ama?

Bakit? Anong rason ba?

May ginawa ba si papa na labag sakanilang kalooban?

Pero hindi naman makatarungan ang ginawa nila. Pwede naman nilang pagalitan at paalisin sa serbisyo si papa. Bakit kailangan pa nilang patayin. Kahit saan angulo tignan mali talaga e' hindi tama na pinatay nila si papa. That's why I don't really think that I can forgive them so easily. Nai-imagined ko palang ang nagmamakaawang mukha ng aking ama habang tinutukan siya ng baril. I clenched my fist.  Wala silang awa!


SA isang restaurant na hindi masyadong kamahalan ang sini-serve na pagkain kami kumain ni Cindy. Malapit din naman kasi ito sa mall kaya rito nalang kami tumuloy.

Tahimik kaming kumain tanging tunog lang ng kubyertos ang ang maririnig sa mesa namin. Pagkatapos naming kumain, katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Walang sumubok na magsalita. Naiintindihan ko naman iyon kasi kahit ako ay medyo nailang din.

Tumikhim ako saka tumingin saaking kaharap.

"Ilang buwan na?" Tukoy ko sakanyang tiyan.

"Mag-pipitong buwan na," she answered.

Namilog ang mata ko sa narinig. Malapit na siyang manganak.

"Malapit na palang lumabas ang anghel mo," I said and took a glance at her baby bumped.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon