CHAPTER 29

4K 45 5
                                    

MATAPOS nangyari ang pagtatagpong iyon. Hindi ko na ulit nakita si Dominique. Hindi na ulit siya nagpakita o nagpapadala ng mga bulaklak at chocolate, gaya ng ginagawa niya no'ng una.

Chester never questioned me 'bout that. Akala ko galit siya dahil sa nakita niya. Pero hindi...

"I trusted you, muffin. I know you won't hurt me."

That's what he said as he continued maneuvering his car. And besides, he already knows kung sino si Dominique sa buhay ko noon. I told him about Dominique, ayaw ko kasing sa iba niya pa malaman ang tungkol saamin ni Dominique noon.

Kaya hindi ko talaga inakala na maging malambing pa siya matapos niya kaming natagpuan sa labas ng hospital na sobrang magkalapit. Akala ko magagalit siya tapos pagsasabihan ako na bakit kasama at sobrang lapit ko sa ex ko.

But he never did. Sa katunayan he always throws sweet words at me. That night, hindi niya ako hinatid sa bahay. Tinawagan niya lang si mama at pinaalam na kung kung pwede dito raw ako matulog sa condo niya.

"Yes Tita, thank you for allowing me to let her stay at my condo tonight. I promise you, wala akong gagawin sakanya na ika-alala mo..."

Bahagyang akong napailing at nakanguso sa narinig. Nakatalikod kasi siya saakin habang kinakausap si mama samantalang ako, nakaupo sa kama niya.

Kung alam mo lang mama...

I LOOKED at myself to the mirror. Kunot ang aking noo habang nakatitig sa salamin. These past few days, ganadong-ganado ako sa pagkain. Kaya pakiramdam ko tuloy tumaba ako. Kahit iyong isang maliit kong uniform na blouse hindi ko na mabutones. Saka iyong isang skirt ko hindi ko na ma-zip ang sa likuran.

Even Ate Bea, told me na medyo tumaba raw ako ng kaunti. Hindi ko naman siya pinaniwalaan kasi hindi ko naman iyon napansin.

Pero ngayon, masasabi ko na totoo iyong sinabi niya. Talagang tumaba ako ng kaunti.

Nagkibit balikat nalang ako saka isinuot na ang aking uniform.

Actually, I was planning earlier na hindi muna ako papasok sa trabaho. Parang gusto ko nalang kasing humiga buong araw at matulog. Ngunit nagbago bigla ang isip ko at naisipang magtrabaho nalang.

It's Saturday, kaya hindi kami masyadong busy. Sa katunayan, uwian na namin mamayang alas kwatro ng hapon. Not all nurses though, iyong kaparehong shift ko lang.

"Mikay! Let's hang out later. Ano game ka?"

Bahagya akong napanguso at nag-isip. Nasa nurse desk kami. Kasama sila Aya, Lance at iba pang kapwa nars.

Wala namang akong gagawin later. Kung uuwi ako ng maaga, siguro alas kwatro hanggang ala syete ng gabi nakahiga lang ako at natulog.

Tatango na sana ako sa paanyaya nila Aya nang may biglang pumasok sa isip ko.

"Pass muna ako Aya. May pupuntahan pala ako mamaya," sagot ko.

I want to surprise him.

Pupunta ako mamaya sa kompanya niya. I won't tell him of course. Kasi paano siya masusurpresa kung sasabihin ko 'di ba?

Chester will be shocked for my sudden presence for sure. The thoughts of it made me giggle.

I can't wait to surprise him!

At iyon nga ang nangyari. When the clock strikes at 4:00 pm. I immediately prepared myself. I put on light make-up and let my long black straight hair loose.

Mahina kong tinampal ang aking noo. Nang may napagtanto.

"Walang'ya! I didn't bring some clothes! Paano na ngayon 'yan, Mikay?!"

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Where stories live. Discover now