CHAPTER 2

5.1K 76 0
                                    

MALAMIG na hangin ang sumalubong saakin pagkalabas ko sa hotel. It's still early in the morning. Bitbit ang libro ko naglakad ako patungo sa sun lounger. Tulog pa kasi si Hera kaya iniwan ko muna siya doon. Ayaw ko rin naman siyang gisingin kaya mag-isa lang ako ngayon. Pabor din naman saakin ang mapag-isa para naman makapag-isip-isip ako ng maayos. Knowing Hera ang daldal no'n kapag kaming dalawa ang magkasama.

As I scanned the whole place. Hindi pa masyadong matao ang paligid. May taong nag jo-jogging, may naglalakad with their loved ones. Karamihan sa nagbabakasyon dito ay taga ibang bansa. Marami kasing mga foreigner ang nache-check in sa hotel. Sa pagkakaalam ko, masyadong mahal kung hotel room ang kukunin. Mga mayayaman lang ang nakaka-afford no'n. With air-conditioned, jacuzzi, big and comfortable master's bedroom. Kaya pangmayamanin talaga.

Okay rin naman ang cabin na tinutuluyan namin ni Hera. Nakikita ko ang mala crystal na karagatan. Ang preskong hangin ang una-unang malalanghap ko kapag lalabas ako sa tinutuluyan namin.

Bago pa ako makarating doon sa sun lounger may nakabangga akong babae.

"What the—"

Natigilan ito at napatingin sa damit. The woman whom I bumped into is the same woman we saw in a restaurant together with Chester. Before I could utter some words. She's already yelling at me.

"You bitch, how dare you ruin my dress!" She pointed at me.

"Look Miss, I'm sorry I didn't noti—" She cut my words.

"Oh really?" Nang-uuyam na tanong nito. "Sa susunod kasi tumingin tingin ka naman sa dinadaanan mo. 'Yan tuloy nabuhusan ng coffee ang mamahaling damit ko!" She shouted in frustation.

Tinignan ko ang dress niyang nabuhusan ng kape. Maputi ang kanyang dress kaya halata talaga ang dumi na kumakapit nito.

"Miss," I paused at sinulyapan ang kanyang damit saka ko ulit siya tinignan. "I already said I'm sorry, 'di pa ba sapat 'yon? Di naman kasi kita nakita kanina," Mahinahon kong saad.

Ang OA masyado!

"Alam mo bang mahal 'tong dress ko? Mas mahal pa sa buhay mo. Binili ko pa to sa ibang bansa tapos ngayon matatapunan lang ng kape? Argh! how dare you!" Sigaw nito sa pagmumukha ko.

Napanting ang tenga ko sa narinig. Seriously? Mas mahal pa ang damit kaysa sa buhay? 'Di niya ba alam na hindi matutumbasan ng pera ang buhay? Mga tao nga naman ngayon 'di alam kung paano magpapahalaga nang buhay, mas importante talaga ang mga materyal na bagay.

Tinignan ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Bakas sa mukha nito ang galit na nararamdaman.

I sighed at mariin ko siyang tinignan. "Alam mo bang matalino ka? Kaya sa sobrang talino mo napahanga mo ako," I said with a fake smile.

She just looked at me annoyingly.

I crossed my arms over my chest. "Saan ka nga nag-aral para mapuntahan ko. 'Yan ba ang tinuro ng guro mo sayo? kasi ikaw lang ang taong nakikilala ko na magsasabing 'MAS MAHAL PA ANG DRESS KAYSA SA BUHAY NANG TAO' talaga ba?"

"You b—" I cut her.

"Ang galing naman, nakakaproud ang kabobohan mo miss, ipagpatuloy mo 'yan ah," I smiled and clapped my hands. "Bye see yah around." I continued at tumalikod na.

I glanced at my back. Nakita ko siyang inis na pumapadyak sa buhangin.  Sa nakikita kong reaksyon sa kanyang mukha para na itong sasabog sa inis. Oh well, sino ba namin kasi ang 'di mainis sa sinabi ko. Kung sana ginamit niya ang utak niya hindi ko sana siya mapagsabihan ng gano'n. Maganda nga, pero kung makapag-isip.

Napailing nalang ako.

Isa sa mga ayaw ko talaga ay 'yong mga kaugali ng babaeng 'yon. Sinabihan na nga ng sorry, ayaw naman makinig kesyo, ganyan, gano'n, ganito. Parang tanga lang. Maliit na bagay lang naman ang pinagtataluhan, pinapalaki pa talaga. 

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon