CHAPTER 34

3.4K 47 1
                                    

WARNING: SEXUAL HARASSMENT! READ AT YOUR OWN RISK!!

NAPAGPASYAHAN ko na puntahan si Chester sa condo niya. Dali-dali kong kinuha ang black hoodie ko saka sinuot iyon. Pagkatapos ay lumabas na ako saaking kwarto.

Pababa na ako sa hagdan nang namataan ko si mama saka si Mike. Sandaling napatingin si mama saakin saka binalik ang atensyon niya sakanyang ginawa. She's kinda busy checking her students' projects. At minsan hinihilot ni mama ang kanyang sintido habang ang buong atensyon niya ay nasa mga project ng kanyang mga studyante.

Kunot-noong nakatitig naman saakin si Mike nang makita ako. Alam ko na ang ganyang klaseng tingin. Pagkatapos niyan magtatanong na siya kung saan ako pupunta.

Nang tuluyan na akong makababa sa hagdan. Bigla ako tumigil sa tanong ng kapatid ko.

"Ate gabi na a' aalis ka?"

Sabi ko na e' alam ko talaga magtatanong siya. Napaka usisero talaga.

"Pake mo ba, huh!" Nakataas ang aking kilay habang nakapamaywang na nakatingin sakanya.

Napahinto naman ako nang bigla sumagi saaking isip na pamilyar ang tagpong 'to.

Deja vu.

Napabuga naman ako ng hangin saka hindi ko nalang inalintana ang inisip ko. Pinuntahan ko si mama na nakakunot-noo habang may binabasa.

Pumunta na muna ako sa kusina at kumuha ng baso at sinalinan ng tubig. Pagkatapos ay inilapag ko iyon sa mesa.

Napaangat naman ng tingin si mama matapos kong ilapag ang tubig.

"Uminom ka muna ng tubig mama,"

Kinuha naman ni mama ang basong naglalaman ng tubig saka ininom iyon.

"Aalis muna po ako mama," paalam ko.

Agaran namang napatingin si mama sa'kin. Inilapag niya muna ang walang laman na baso.

"Gabi na 'nak.  Saan ka ba pupunta?"

I chewed my lower lip before I answered.

"I'll go to Chester's condo."

Sandaling natahimik si mama sa sinagot ko. Maya-maya ay tumango naman siya.

"Kakausapin mo siya?"

Tumango naman ako bilang sagot.

"Kung gano'n mag-ingat ka. Gabi pa naman. Gusto mo ipasama ko si Mike sa'yo?"

Mabilis naman akong umiling. Hindi naman ako bata e' saka lagi naman akong nakakalabas ng gabi sa bahay nang hindi kasama si Mike. Hindi ko lang alam anong nakain ni mama at gusto niya pang ipasama ang usisero kong kapatid.

"H'wag na ma. Kaya ko naman mag drive e'."

Napatango naman si mama. "Basta mag-iingat ka 'nak. Alalahanin mo hindi ka nag-iisa, may bata sa sinapupunan mo."

Napangiti naman ako. "Opo."

Tumalikod na ako matapos magpaalam kay mama. Nang madaanan ko ang kapatid ko na naka-upo sa pang-isahang sofa. Alam kong abala na naman ito sa paglalaro ng ML. Tumigil muna ako nang may maalala.

"Hoy Mike! Pakilabas na muna 'yong basurahan. Nakalimutan kong ilabas kanina, puno na kasi 'yon," utos ko sa kapatid ko.

"Saglit lang," sagot niya habang hindi man lang ako tinignan.

Napairap naman ako sa sinagot nito. Alam ko na ang ganyang sagot. Maya-maya makakalimutan niya na naman ang inutos ko. Lumapit naman ako sa sofa at kinuha ko ang nakapatong na  throw pillow at wala pasabi-sabing hinagis sa pwesto niya. At sakto namang sapul siya sa mukha.

"Ate naman e'!" Napakamot naman ito sa ulo. Nang makita niya ang matatalim kong tingin ay agaran naman itong umalis para sundin ang utos ko.

Tss! Dapat lang. Alam niya na ang kasunod kung hindi siya pumayag sa utos ko. Talagang wala siyang makukuha na allowance sa'kin.

Malamig na simoy ng hangin ang yumakap saaking katawan pagkalabas ko. Maliwanag ang labas kahit gabi naman. Hindi lang dahil sa mga poste. Kun'di sa malaking buwan at mga bituin sa kalangitan.

Pumunta ako sa garahe at binuksan ang sasakyan ko pumasok. Pinaandar ko ito ngunit nabigla ako nang hindi siya mag-start. Kunot-noong tinignan ko naman iyong fuel gauge sa dashboard. Marahas akong napabuga ng hininga nang mapagtanto ko na wala na palang gasolina ang sasakyan ko.

Lumabas naman ako saka tinungo ang gate ate lumabas na.

"Tangina! Panira talaga. Wala pa namang masyadong taxi ang pupunta dito kasi gabi na!" Naiinis kong saad saaking sarili.

Naglakad naman ako ng kaunti at doon naghintay.  Nagbabasakaling may maligaw na taxi. At hindi talaga ako nagkamali. May naligaw nga talaga taxi. Pinara ko iyon, nang biglang may mabilis na puting van ang humarurot at na huminto saaking harapan at bumukas ito.

Dalawang lalaki ang lumabas. Tanging mata at bibig lang ang makikita sakanilang mukha. Tatakbo na sana ako papasok sa gate namin nang marahas akong nahawakan ng isang lalaki at pinipilit na pinapasok sa loob ng van. Patuloy naman akong nagpupumiglas.

"Ano ba! Bitawan niyo ako!"

I tried to escape by the man's  tight grip but he didn't let me. He held me firmly not giving me a chance to escape.

"Mi—!" Hindi ko natuloy ang pagsigaw sa pangalan ng kapatid ko nang mariin niyang tinabunan ang aking bibig gamit ang kanyang kamay.

Sinipa ko ang lalaki saaking harapan nang aakma niyang hawakan ang aking papa. Nasapo naman nito ang kanyang alaga dahil doon ko talaga binalak na tamaan siya ng aking sipa.

Nang maramdaman ko na medyo hindi na mariin ang kanyang kamay saaking baba. Walang pagdadalawang-isip na kinagat ko ang kanyang kamay. Narinig ko naman ang pagmumura nito.

"Let go of me— Mike!" Sigaw ko nang namataan ko ang aking kapatid na lumabas may dala-dalang garbage bag.

Nanlaki naman ang mata nito nang makita ako na pilit pinapasok sa van.

"Ate!" Mabilis naman itong tumakbo at sinuntok ang isang lalaki. Tuluyan na akong nakapasok sa van at nagsusumigaw ng tulong.

Nang biglang may panyong mariin na nilagay saaking ilong at biglang nag-blur ang paningin ko at tuluyan ng nanghina. Nakita ko pa kung paano napatumba ni Mike ang lalaki. Ngunit biglang bumunot ng baril iyong lalaking nagpasok saakin sa van at walang pasabing pinutokan niya ang aking kapatid.

Gusto kong sumigaw pero walang salita ang kumawala saaking bibig hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.

MALAMIG. iyan ang salitang una kong naisip. Nang maramdaman kong unti-unting ng gumising ang aking diwa hanggang sa imulat ko ang aking mata.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Where stories live. Discover now