CHAPTER 28

3.3K 50 0
                                    

ISANG malakas na katok galing sa labas ang narinig ko. Kaya dali-dali kong ibinalik lahat sa loob ng box ang mga pictures pati na rin iyong locket.

Good thing I locked the door.

"Ate! Kakain na raw!"

"Bababa na!"

Mas binilisan ko ang aking kilos. Ibinalik ko ulit sa itaas na parte ng aking bookshelf ang box.

I stared at myself in the mirror at nakita kong medyo pumula ang aking mata kaya pumasok ako sa loob ng banyo para maghilamos.

Nang humarap ulit ako sa salamin. Medyo okay na ang aking hitsura. Nilagyan ko nalang ng kaunting lipstick ang labi ko saka nag pulbo para hindi talaga nila mahalata.

Nang makalabas ko. Nakita ko ang nakakunot nitong noo habang nakatitig saakin. I gave him a 'what are looking at look'.

"Ang tagal mo ate, kanina pa naghihintay si mama," anito saka tinalikuran ako at nauna ng bumaba.

Sumunod naman ako sakanya.

Nakahanda na lahat ng pagkain sa mesa. Kami nalang—or should I say ako nalang ang hinintay nila.

Nagsimula na kaming kumain. Paminsan-minsan ay tinatanong ni mama si Mike tungkol sa sport na basketball na sinalihan nito. Dahil malapit na pala ang laro nila.

Pagkatapos niyang magtanong kay Mike saakin nanaman siya magtatanong.

"Kumusta naman ang trabaho mo Mikay?"

Nilunok ko naman iyong kinain ko saka ako sumagot. "Okay naman," sagot ko at pinagpatuloy ang pagtusok ng karne gamit ang tinidor.

Hindi ko alam pero ganadong-ganado akong kumain ngayon. Para gusto ko na ngang akuin ang isang bowl ng kaldereta.

"Hinay-hinay ate. Hindi ka naman mauubusan."

Inirapan ko nalang ang pakialamero kong kapatid saka nagpatuloy na sa pagkain.

Hindi ko na tuloy mabilang kung pang-ilang plato ko na ba 'to.

Biglang tumayo si Mike at may kinuha sa loob ng ref.

"Who wants some durian!"

Mabilis ang kaniyang kilos papunta rito sa lamesa at inilapag ang durian na nakalagay na sa plato.

Pagkalapag niya talaga ng durian sa mesa. Bigla akong napahawak saaking bibig. Nanlaki ang aking mata nang maramdaman kong nasusuka ako. Kaya dali-dali akong pumasok sa banyo dito sa baba.

Hindi ko na napigilan. Kaya sumuka ako. Pakiramdam ko parang sinuka ko na lahat ng kinain ko. Biglang tumulo ang aking luha habang sumusuka ako. Halos yakapin ko na ang kubeta habang nagsusuka ako.

Naramdaman ko naman ang kamay ni mama na hinahagod-hagod ang aking likuran.

Mariin akong napapikit matapos kong isuka lahat. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos kong tumayo.

Nang tumayo ako. Panandalian akong nahilo kaya napahawak ako saaking ulo. Ngunit agaran rin namang nawala.

Nang makabalik ako sa mesa. Hindi ko na nakita iyong durian.

Sinalinan ni Mike ng tubig ang aking baso saka binigay saakin iyon. Kaya nagmugmog muna ako.

"Nakalimutan ko, hindi mo pala gusto ang amoy ng durian," Ani ni Mike sa pakamot-kamot sa batok.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi talaga ako mahilig sa durian. Kahit noon pa. Every time na makakalanghap ako ng amoy ng durian automatiko akong tinatabunan ng aking ilong para hindi ko malanghap ang amoy nito.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Where stories live. Discover now