CHAPTER 5

4.6K 65 3
                                    

ALAS nuebe na ng gabi. Hindi pa rin ako makatulog. Binalingan ko ang pinsan kong mahimbing na natutulog sa kama nito. Napangiti ako sa nakita.

Pagod kasi ito kakapasyal. Kahit gustuhin ko man na manatili dito sa kwarto. Hindi ko magawa dahil baka iiyak lang daw ako at maalala ko na naman ang ginawa ng ex-boyfriend ko. 

I sighed.

Bumangon ako saka sinuot ang kulay lila na tsinelas. Kinuha ko ang nakasabit na kulay itim na hoodie saka ito sinuot.

Pinuntahan ko muna ang aking pinsan at kinumutan ng maayos. Bigla itong gumalaw, buti nalang hindi nagising.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto. Nilingon ko ulit ang aking pinsan saka napabuntong-hininga. 

Nang makalabas na ako sa cabin namin. Malamig na hangin ang sumalubong saakin. Kahit naka-hoodie at nakapajama ako ramdam ko pa rin ang malamig na hangin na yumayakap saaking katawan.

Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng aking suot na hoodie. Ang mahaba at itim kong buhok ay hinayaan ko lang na liparin ng hangin. Napapikit ako saka nakangiting dinama ang malamig na simoy ng hangin. Ang mga kuliglig at ang malakas na alon ng dagat lang ang maririnig ko ngayong gabi.

Napadilat ako saka napatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin. Nanikip bigla ang aking dibdib at unti-unting tumulo ang aking luha.

"P-Papa, Am I not enough?" mahina kong bulong.

Ito ang pangalawang beses na umiyak ako sa lalaki. Unang-una ay iyong pagkawala ni papa. Labis akong nagdamdam. Ni hindi ako makausap ng maayos. Kahit si mama ginagawa ang lahat para maging matapang kahit sa kaloob-looban niya ay alam kong pagod na pagod na siya. At gusto niya ng sumuko.

Mahina akong napahikbi. "H-Hindi pa ba ako s-sapat?" huminga ako dahil hindi ko na nakayanan ang bigat sa aking puso. "Kulang pa ba ang p-pagmamahal na ibinigay ko p-papa?" hindi ko na napigilan ang pagkabasag ng aking boses.

Bakit parang pakiramdam ko uhaw ako sa pagmamahal?

Bakit parang hindi pa ako nakukuntento?

Nandiyan naman ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko. Pero pakiramdam ko, hindi pa rin sila  sapat.

Hindi pa rin tumigil ang pagtulo ng aking luha. Parang akong sinaksak. Kung sasagutin ko ang mga tanong na iyan. Ito lang ang masasabi ko. Siguro nga uhaw ako sa pagmamahal ng isang lalaki. Hinahanap ko ang pagmamahal nila na kagaya ng kay papa. Pagmamahal na kay sarap damhin. Pagmamahal na tunay at hindi peke.

Kasalanan ba ang maghangad ng gano'ng klaseng pagmamahal?

Siguro nga Oo, dahil sa kahuli-hulihan ako pa rin ang masasaktan. Hindi ko natagpuan ang taong magmamahal saakin ng lubusan. O kung natagpuan ko naman siya, hindi pa ito ang tamang oras para magmahal.

"H-Hindi ko alam kung k-kaya ko pa bang m-magmahal p-papa."

Mariin akong napapikit. Saka napatingala ulit sa kalangitan. Inangat ko ang kaliwa kong kamay na para bang pinipilit abutin ang kumikislap na bituin.

Pait akong napangiti. Ang pagpamamahal na pilit kong hinahangad ay parang bituin na hindi maabot-abot. Kahit pilitin ko man, sa kahuli-hulihan ako pa rin ang masasaktan.

Having a relationship is like a star. Beautiful just like a relationship. The stars keep on shining just like a relationship who keeps on growing. Twinkling like a couple who keeps on loving. But this kind of relationship is so hard to reach. Just like the stars. Beautiful and you really want to reach it. But you can't reach it and you will never reach it!

Maybe, I can reach that kind of relationship? Pero hindi pa ngayon. At hindi ko alam kung kailan iyon.

ALAS diyes na ng umaga nang ako'y gumising. Pumunta ako sa banyo para magawa ang morning routine. Tinitigan ko ang aking mukha sa salamin. Magulong buhok, namumulang ilong at pagod na mga mata na nagpapatunay na umiyak nga ako kagabi. Malakas akong napabuntong-hininga. Para akong nabunutan ng tinik at biglang gumaan ang mabigat na nakadagan saaking dibdib.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Where stories live. Discover now