CHAPTER 23

3.5K 47 0
                                    

TODAY  is our last day here in Serenity. At bukas na bukas babalik na kami sa manila.

I can't wait to see my mother and my brother. I miss them so much. Matagal-tagal din ang limang buwang pagbabakasyon. Kung ang iba nagfa-file ng two weeks leave. Samantalang ako, limang buwan.

Until now, I'm still curious kung ano ang ginawa ni Hera para pumayag si Stephanie. Knowing Stephanie hindi iyon basta-bastang pumayag. Walang kaibigan-kaibigan pagdating sa trabaho lalo na't siya ang may-ari ng hospital na tinatrabahuan ko.

Bigla akong napatingin sa cellphone ko ng tumunog ito.

Bruhera calling...

At talagang ngayon niya pa lang naisipang tumawag ha!

Dinampot ko ang aking cellphone and I tap the green button to answer her call.

"Oh, napatawag ka?" Bungad ko.

Biglang itong humahagikhik sa kabilang linya.

"Bakit parang galit ka?"

Napairap ako sa kawalan saka napanguso.

"Nang-iiwan ka kasi e'.Kasama kitang pumunta dito tapos pagbalik ko ng maynila wala ka!"

Narinig ko ang paghalakhak nito.

"Asus, tampo kana niyan? Para ka namang timang diyan. Huwag kanang magalit kasama mo naman boyfriend mo, yiiieeeee..." Pang-aasar nito.

Bigla namang uminit ang pisngi ko.

"Tse! Tigil-tigilan mo ako bruha ka!"

I heard her giggle on the other line. Iniba ko ang usapan at nagtanong kung ano ang pinagkakaabalahan niya kung bakit mas nauna na siyang lumuwas. At sinabi niya na tinawagan daw siya ng fiancee niya at sinabihan na papauwi na raw ito.

Kaya ayon at umuwi siya. Lumuwas siya ng manila na hindi man lang ako kasama.

Pero okay lang, nandito naman si Chester.

Napangiti ako ng bigla siyang pumasok sa isip ko. Kaya medyo napailing nalang ako. Bakit ba kasi bigla-bigla nalang siyang sumusulpot sa utak ko.

Myghad, malala na ata ako!

After so many chikas we already bid our goodbyes. Kasi may aasikasuhin na raw muna siya.

ALAS syete na ng umaga at hawak ni Chester ang aking kamay habang sumasakay kami ng elevator patungo sa itaas kung  saan naghihintay ang chopper na sasakyan namin patungong maynila.

Akala ko isang normal lang na sakayan ng mga pasahero ang sasakyan namin. Hindi ko inakala na may private chopper pala itong kasama ko.

Ano pa nga ba ang aasahan ko. Mga mayayamanin sila eh. Paano nalang kaming mga dukha na hindi maka-relate 'di ba?

"Are you sure you're not hungry?" May tunog pag-aalala sa boses nito habang mahinang hinihimas ang aking tiyan.

Medyo nakikiliti ako. Pero hindi ko nalang pinahalata iyon.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti saka umiling. "I'm not hungry yet."

He immediately buried his face on the left side of my neck. Kaya hinimas ko ang kanyang buhok saka hinalikan ito.

"But you only ate bread and coffee, muffin," he murmured.

"E' sa hindi pa ako gutom. Alangan naman pilitin mo 'kong kumain."

He groaned.

Hinawakan niya bigla ang dalawa kong balikat saka pinaharap sakanya.

His blue orbs directly looked into my eyes. He's concerned, I know. I can feel it.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon