CHAPTER 13

3.7K 50 2
                                    

HINDI talaga mawawalan ng tao ang islang ito. Sa susunod na pupunta ako rito isasama ko na si Mama at Mike para naman makapagbonding na kami. Lagi nalang kasi kami sa bahay at trabaho. Wala na kaming oras sa pamamasyal. Kumusta na kaya sila?

Miss ko na sila...

Nilingon ko si Hera sa likuran. Bigla nalang kasi itong natahimik tapos ang bagal-bagal pa maglakad!

"Woy...okay ka lang ba?"

Napaangat siya ng tingin. Tinaasan ko siya ng kilay?

"Kanina ka pa tahimik diyan. Anong iniisip mo?"

Inirapan niya ako. Problema nito at biglang nang-iirap. Nagtatanong lang naman ako.

"Wala. Medyo namanhid lang ang paa ko sa kakalakad."

Nilapitan ko siya tapos hinigit ang kamay. "Halika na nga! Akala ko pa naman kung ano iyang iniisip mo."

Sa tagal-tagal naming pagsasama. Hindi ko pa rin talaga mawari ang mga kinikilos niya minsan. Sometimes, I suddenly ask myself.

Am I her cousin?

I feel like I'm the most useless cousin that she ever has. I know that hindi lahat ng pagkakataon ay obligado kong malaman lahat ng mga kilos o iniisip niya. Pero kasi...minsan hindi ko man lang alam ang gagawin ko kapag malungkot siya. Kung ano ba ang bagay na magpapasaya sakanya. Samantalang siya, isang tingin niya lang saakin malalaman niya na kung malungkot ba ako or masaya.

Am I that transparent?

I feel like there is a huge wall between us. May mga bagay siyang hindi sinasabi saakin. Ngunit, naiintindihan ko rin naman iyon. Alam ko rin naman na sasabihin niya rin saakin balang araw.


DUMATING na nga ang araw na pinakahihintay nila. Araw na ng isla. Kung sa mga mga nakalipas na araw ay normal na ngiti sa mga tao ang makikita mo. Ngayon, ay hanggang tenga ang ngiti na nakapaskil sa kanilang mga labi. Mga matang kumikislap sa labis na sayang nararamdaman.

Kaya nahahawa na talaga ako sa mga taong nandito. Nakakahawa ang kanilang mga ngiti. Kaya nga kapag may nakakasalubong ako tapos nginitian nila ako, ngumingiti rin ako pabalik.

I was wearing a white summer dress saka pinaresan ng white flat sandal. Hinayaan ko lang na makalugay ang itim at mahaba kong buhok.

Mag-isa kong tinahak daan patungo sa nagbebenta ng mga iba't-ibang accessories. May mga keychains na may nakasulat na 'Serenity Island', headband, bracelet na pwedeng lagyan ng mga names kung gugustuhin ng mamimili.

May bagay na nahagip saaking tingin. Kaya kinuha ko ito. Maganda ang siya, ewan ko lang kung babagay ito saakin.

"Bagay na bagay iyan saiyo 'yang straw fedora hat na iyan iha," nakangiting saad ng tindera kaya napaangat ako ng tingin sakanya.

Sinuklian ko siya ng ngiti. "Talaga ho?"

Napatango ang tindera. Binigyan ako nito ng salamin na hugis bilog. "Isuot mo iha, tapos tignan mo ang sarili mo sa salamin."

Ginawa ko ang sinabi ng tindera. Sinukat ko ang straw fedora hat saka tinignan ang sarili sa salamin. Bigla nalang akong napangiti.

Hala ang ganda ko!

Sinubukan kong ngumiti sa salamin. At pinatagilid ko ang aking ulo.

Pak! Ganda ko talaga.

Kung noon, wala akong confidence sa sarili. Pero ngayon, umaapaw ata iyong confidence ko.

"It looks better on you."

Baritono nitong saad kaya napaigtad ako. Muntik ko nang mabitawan ang salamin dahil sa gulat. Hindi ko na kailangan manghula kung sino itong nagsasalita dahil kilalang-kilala ko ang boses ng lalaking ito.

Kinuha ko ang fedora hat sa ulo ko saka dahan-dahang nilingon si Chester.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon