CHAPTER 19

3.1K 40 0
                                    

SA dinami-daming lalaki dito sa resort bakit kay Chester pa ako nagkagusto?

Tapos may girlfriend pa. Sana doon naman sa lalaking walang sabit 'no. Ayaw kong maging kabit o mapagkamalang mang-aagaw ng jowa. Cringe!

Sana in-inform man lang ako para kahit papa'no napigilan ko 'tong nararamdaman ko sakanya. Hindi pa nga nagsisimula ang laban pero talo na ako. Ano ba naman 'to.

Pwede naman si Max. Napatingin ako bigla kay Max. Gago! Hindi pa pala ito naka move on sa ex.

Wala sa sarili akong napailing. Duh! Ayaw kong maging panakip butas 'no. Ayaw ko na nga maging kabit tapos magiging panakip butas pa kaya? No way!

E' kung kay Levi kaya? Tinignan ko naman si Levi na kausap iyong pinsan ko. At base sa mga kinikilos at galaw ng kanilang bibig ay halatang nagbabangayan na naman ito. Umalis naman silang dalawa para lumabas.

Napanguso naman ako. Hindi pwede! Kung siya siguro maging jowa ko baka walang araw na hindi kami magbabangayan. No way! I want to live in peace. Hindi kami bagay, mas bagay sila ni Hera. Mahilig makipagbangayan.

Napatingin naman ako sa dalawang taong pumasok sa loob. Unang pumasok si Licca sa loob at dumiretso doon sa may banyo para makapagbihis. Habang si Chester naman ay walang suot na t-shirt tapos abala siya sa pagpupunas ng buhok niya gamit ang tuwalya.

Max handed me a ladies drink. Nginitian ko siya saka tinanggap ang inumin.

"Thanks,"

Tanging tango lang ang sinagot nito saakin. I took a glance again on Chester's side. He scowled at me.

Naputol ang pagtitigan namin nang biglang sumulpot si Hera.

"Mikay! Doon na tayo sa labas."

I averted my gaze on him and looked at my cousin. I smiled at her and nodded my head.

"Sure!"

Hindi ko na ulit inabalang tignan si Chester at dumiretso na sa labas. Nakita ko si Levi at Hera na abala sa niluluto nilang barbeque. Si Hera ang naglalagay samantalang si Levi naman ay may dalang pamaypay.

Nalanghap ko ang amoy ng niluluto nila kaya hindi ko mapigilang matakam.

Umangat ang tingin ni Levi nang makalapit ako.

"Oh Michaela, hindi ka pa ba maliligo?" Abala pa rin ito sa kakapaypay.

Umiling naman ako.  "Mamaya na siguro, sabay na kami ni Hera."

"Hindi pwede! Kami dapat ang sabay!" Angal niya. Kaya bigla akong napatingin sakanya.

Nakanguso si Levi habang nakatingin saakin. Para siyang bata na binawian ng laruan. Bigla naman siyang binatukan ni Hera kaya napahimas ito sa batok.

"Sino bang may sabi na sasabay ka saakin, huh? Kapal ng nguso," ani Hera saka inirapan si Levi.

Umakto naman si Levi na nasasaktan. May pahawak-hawak pa sa dibdib na nalalaman.

"Kanina mo pa 'ko sinasabihan ng salitang 'kapal ng nguso' ah, gusto mo halikan kita?" Bigla naman niyang inilapit ang nguso niya kay Hera at aakmang hahalikan si Hera kaso biglang hinampas ni Hera ang pamaypay sa pagmumukha ni Levi.

Napakamot naman ito sa ulo. "Napakabayolente talaga nitong pinsan mo Mikay, halata naman na may gusto siya saakin."

Napailing nalang ako sa inasta ni Levi.Hera glared at him.

"Paamuhin mo kasi Levi," I laughed.

Hera gave him a dirty look. "Kapal mo naman unggoy! Wala akong gusto sa'yo oy. Napaka assumero mo po!"

"Ito? Mukhang unggoy?" Itinuro ni Levi ang kanyang mukha. "Maraming nagkakandarapang babae sa mukhang 'to Hera."

Pinakita ni Hera ang gitnang daliri niya. " Hanapin mo pake ko."

Humagalpak naman kami sa tawa. Lalo na ang bagong dating na si Max kasama si Chester na hanggang ngayon may nakasampay pa ring tuwalya sa balikat.

Akala ko ba magbibihis na ito?

"Maliligo ka pa Chester?" Levi asked.

He just shrugged his shoulder. Narinig naman namin ang paghalakhak ni Max. Kaya napakunot-noo ako para kasi siya nasisiyahan sa pangyayari.


NAPAG-ISIPAN namin ni Hera na maligo na. Buti nalang talaga marunong akong lumangoy. Kun'di naku! Tamang tanaw lang talaga ako sa mga naliligo sa malalalim ng parte ng dagat. Nakita ko si Licca na nakatingin sa banda namin. Sabay naming inirapan ang isa't-isa pagkatapos ay umalis na siya.

Bigla namang pinalitan ni Chester ang pwesto ni Licca kanina. Nakatingin ito sa banda namin— O tamang sabihin sa banda ko.

"Nakatingin siya sa'yo oh," tudyo ng pinsan ko saakin.

Winisikan ko naman siya. "Manahimik ka!"

I wore a white simple two piece and Hera on the other hand also wore a maroon swimsuit that really suits her.

"Does your heart started to beat so fast, cousin?" She giggled.

Hindi ko siya pinansin. Indeed, my heart beats abnormally, again!

I took a glimpse of him. And he's still there and keeps on looking at me. He pursed his lips and smirked at me. Kaya inirapan ko siya. Narinig ko naman ang paghalakhak nito.

Walang'ya! Alam mo ba iyong pakiramdam na para nakalimutan mo kung paano lumangoy? Kasi kung Oo, ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon.

Binigyan ako ni Hera ng mapang-asar na tingin. Nang ibalik ko sakanya ang buo kong atensyon.

"May chance pa," She murmured pero narinig ko naman.

Pinagpatuloy na namin ang pagliligo. Maya-maya ay nagpaalam si Hera na aahon na muna siya at kukuha ng juice. Pumayag naman ako.

"Hindi ka pa aahon?"

Napailing naman ako. "Dito na muna ako."

I continued swimming not minding Chester's presence who continued staring at me like I am some kind of prey. Hindi ko nalang siya pinansin.

I took a deep breath saka lumangoy sa pinakailalim. I can hold my breath but not that long. I enjoyed seeing the colorful fish. I can't help but to smile. Palagi ko iyong ginagawa. Ang aahon saka babalik sa paglalangoy sa ilalim.

Not until, I can't move my legs. Parang nanigas ang aking paa. Kahit anong gawin kong paggalaw hindi talaga gumana. Nanakit ang binti ko saka unti-unti itong namanhid.

Fuck!

Nasa ilalim pa ako at hindi pa nakaahon. As much as I want to. I can't move my legs.

Unti-unti nanikip ang dibdib ko. Parang nawalan ako ng hangin. Gusto kong umahon upang makakuha ng hangin kaso hindi ko pa rin magalaw ang binti ko. Alam ko sa sarili ko na  masyado na akong natagalan dito sa ilalim at paunti-unti akong nawalan ng hininga.

I heard something splashed in the water. Bago bumagsak ang aking talukap. Naramdaman ko na may yumakap saakin.


I CAN feel someone pumping my chest. Parang may gustong lumabas saaking bibig. One pumped, and I immediately coughed. Nangilid ang luha saaking mata habang patuloy parin akong umuubo.

"Mikay!" Parang siyang nabunutan ng tinik.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon