CHAPTER 11

3.7K 56 0
                                    

IT'S been three months. Three months na kaming nananatili ni Hera sa islang ito.

At masasabi kong hindi talaga ako nagsisi na sumama sakanya rito. I wonder, ano kaya ang nangyari kung hindi ako sumama dito.

Siguro, nasasaktan pa rin ako. Siguro, iniisip ko pa rin ang mga ginagawa ni Nick.
 
Buti nalang sinama ako ng pinsan ko rito para makalimot. At nagawa ko nga, nagawa ko ng kalimutan ang lalaking minsan ko ng minahal.

Medyo nakakapagtaka nga lang. Kasi ang lalaking minahal ko at matagal ko ng nakasama ay madali ko lang nakalimutan. I forget him already in just a short period of time. O kung matatawag ko bang short time ang tatlong buwan? Siguro dahil desidido talaga akong kalimutan siya. Kaya madali kong natanggap lahat.

Siguro ang iba sinasabi na mababaw lang ang pagmamahal ko kay Nick dahil nakamove on ako agad. I don't think so, kasi nasa tao iyon eh. Kung ang isang tao ay nasaktan at desidido na maka-move on. Makaka-move talaga siya. Iba-iba naman kasi ang mga tao. Iyong iba, kagaya ko na ibinaling nalang ang atensyon sa ibang bagay para lang makalimot sa sakit ng dinulot ng mahal sa buhay. Kaya kung gusto mong makalimot, ibaling mo lang ang atensyon mo sa ibang bagay na makapagpapasaya saiyo. Mga bagay na hindi mo nagawa noong panahon na kasama mo pa siya. Sa ganyang paraan, makakalimutan mo siya. At matutunan mo ng mahalin ang sarili mo. Matutunan mo na ulit ang maging masaya na walang halong kalungkutan sa mga mata mo.

Madali kong natanggap ang sakit na idinulot niya—nila saakin. At dahil do'n, naghilom ang sugat sa puso ko.

At sa tatlong buwan naming pamamalagi rito. Nakilala ko ang lalaking laging kong kinaiinisan. Isang lalaking abno na akala mo kung sinong gwapong nilalang na mapang-asar!

But, it's been a week na rin na hindi ko siya nakikita. I guess, umuwi na siya. The last time I saw him ay 'yong nagpanggap kaming mag-asawa sa harap ng isang matandang amerikano.

Hindi ko alam kung bakit nadidismaya ako na maisip na umuwi na siya. Dapat nga maging masaya ako kasi wala na akong dahilan para mainis. Pero ewan ko ba, may parte saakin na nadidismaya ako.

Dahil siguro hindi pa ako nakapag-thank you?

Siguro iyan nga ang dahilan.

"Mikay, halika ka na."

Mabilis naman akong tumayo saka sumunod kay Hera. I'm wearing my denim short and white sports bra. I tied my long straight hair into a ponytail. Hera on the other side wore a denim short pero kulay itim ang sports bra nito.

May sasalihan kasi kaming laro, which is volleyball. Gusto kasi ni Hera na sumali doon at gano'n din ako. Kaya napagdesisyunan naming sumali.

Isa rin sa mga natutunan ko sa pananatili rito sa isla ay ang pagiging confident. Hera always taught me how to be confident. Lagi nitong sinasabi na maganda ako o kung ano-ano pa ang mga compliment na sinasabi saakin na nagpapataas lalo ng confidence ko.

Lalaki na nga ata ang ulo ko nito dahil kay Hera.

She's right. I should be confident. Hindi ko dapat isipin ang mga matang mapanghusga ng ibang tao. I should walk confidently with my head held high and not mind those people who keep on judging me.

Kaya nga minsan hindi ko maiintindihan ang ibang tao kung bakit lagi silang nanghuhusga sa ibang tao. Kahit hindi naman sila inaano. Hindi rin naman sila mabubusog sa panghuhusga nila.  Siguro, inggit sila? Dahil may nakikita sila sa hinuhusgahan nila na hindi nila makikita sakanilang sarili?

Siguro gano'n na nga. Kaya nga natutuhan ko ng hindi na pansinin ang mga taong mapanghusga. And thanks to my cousin, who keeps on reminding me to be confident as always.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon