CHAPTER 16

3.3K 51 0
                                    

TODAY is our friend's wedding. At hindi ako makapaniwala na maiimbitahan kami sa kasal. Sino naman kasi ang mag-aakala 'di ba? Unexpected talaga! Kasi hindi namin inaakala na dito namin makikita ang kaibigan namin na matagal ding nawalay saamin. Tapos dito rin pala siya ikakasal.

Ang Serenity Island talaga ang dahilan kung bakit namin siya nakita muli. Sa dinami-dami ba ba naman kasi ng isla hindi ko talaga akalain na rito pala kami magkikita.

Kung sana nandito lang ang iba pa naming kaibigan.

Napagpasyahan namin ni Hera na puntahan si Decielou sa hotel room nito. Ayaw ko sana noong una. Pero naisip ko na mabobored lang ako pag mananatili ako rito. Kaya sumama nalang ako.

Beach wedding kasi ang plano nila sakanilang kasal. Kaya hindi na kataka-taka ang mga mapuputing bulaklak at mga puting upuan na para sa mga bisita sa gilid ng dagat. Abala rin ang ibang mga staff, wedding organizer sa pag-aayos ng konti sa mga upuan. At sa mga bulaklak.

Mabilis ang mga kilos nila habang sinasaayos ang mga konting mali na para sakanilang mata ay hindi naayos ang pagkaka-arrange.

"...pakiayos nga ng bulaklak medyo natabingi siya. Saka pati iyong upuan ayusin niyo..." rinig ko sa sinabi noong babae na may dala folder na puti. Saka abala sa pagtuturo kung may mali pa ba.

Sakatunayan niyan, kahapon pa sila sa pag-aayos niyan. Ngunit inayos lang nila ng konti ngayon. Ala una pa naman ng hapon Mamayang alas kwatro magsisimula ang kasal

Napaangat ang tingin ko sa asul na kalangitan. May mga ibon ang nakikitang lumilipad. Iba kasi ang hapon ngayon. Ang init na galing sa araw ay hindi masyadong masakit sa balat. Parang natatabunan ang araw sa ulap.

Hindi naman siguro uulan 'di ba?

Huwag naman sana. Baka mababasa ang mga bisita kapag uulan.

Nang makarating kami sa hotel room nito. Dahan-dahang binuksan ni Hera ang pinto saka sumilip. And there we saw our friend. Sitting in front of the mirror. Abala ang bading sa kakamake-up sakanya. Nang mahagip niya kami ng tingin sa salamin. Ngumiti ito ng pagkalaki-laki.

"Buti naman naisipan niyo akong puntahan," panimula niya. Abala ang baklang make up artist sa paglalagay ng kolorete sakanyang mukha.

"Of course, gusto namin silipin si Decielou Baldesco. Bago siya magiging Decielou Baldesco Bautista," Hera grinned at her.

Kita namin ang reaksyon ni Decielou sa salamin. Kahit mapula ang pisngi niya dahil sa make up nagiging mas mapula ito matapos sabihin ni Hera ang katagang iyon. Rinig namin ang paghagikhik ng bakla. Kaya nakangiti akong napailing.

Ano kaya ang pakiramdam ng ikakasal? Paano kaya kung pumayag akong magpakasal sa ex ko 'no? I wonder, ano kaya ang magiging reaksyon ko? Iiyak kaya ako?

Mahina akong napailing sa naisip. Ano ba naman iyan. Bakit ko naman naisip iyon?

Nagsimula na ang ceremonya. Nasa gilid ang ama at ina ni Decielou. Masyado na ring matagal noong nakita namin ang mag-asawang Baldesco. Kaya ng makita namin ito ni Hera kanina halos hindi na namin ito nakikilala dahil na rin siguro sa katandaan. Ngunit mababakas mo pa rin ang kagandahan ng kaniyang ina at ang kakisigan ng ama. Parehas itong may ngiting nakapaskil sa labi samantalang seryosong nakatingin lang ang aming kaibigan sa unahan. Habang si Claude ay nakatingin sa kaniyang papalapit na bride.

Naiiyak ako na ewan. Masaya ako dahil nahanap na ni Decielou ang lalaking mamahalin niya at mamahalin siya habang buhay.

When kaya ako?

Bigla namang pumasok ang mukha ni Chester sa utak ko kaya mahina aking napapikit at mariin kinagat ang labi. Ano ba 'yan!

Masayang natapos ang ceremonya. Nakangiti kong nilapitan si Decielou na abala sa pagngiti sa mga bisitang bumabati sakaniya.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora