CHAPTER 18

3.2K 46 0
                                    

HINDI naman ako nagseselos e'. Galit lang ako sakanya. Naiirita ako sakanya. Pakialamero siya, sana inatupag niya muna ang girlfriend niya. Hindi iyong ako ang binu-bwesit niya.

Ako magseselos?

Hindi naman dapat ako magseselos kasi wala namang kami. Wala namang akong karapatan sakanya. Hindi selos itong nararamdaman ko kun'di galit. Naiirita lang ako sa paraan ng inasta niya.

Bakit naman ako magseselos 'di ba? Oo nga't may gusto ako sakanya. Pero hindi naman ako pwedeng magselos. At saka hindi ako nagseselos.

Hindi nga ba Mikay?

Mariin akong napapikit sa naisip.

Tatlong gabi na ang lumipas ng mangyari iyon. Kinabukasan hindi na muna ako lumabas. Dahil naiisip ko pa rin ang sinabi niya. At nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko. Dala lang naman iyon ng kalasingan.

Para na nga akong tanga kakaisip. Aaminin ko na nagalit ako sakanya dahil nasaktan ako ng hindi niya man lang alam. Kung sana alam ko na may girlfriend na siya edi hindi sana hahantong sa ganito ang nararamdaman ko. Pinigilan ko na sana hangga't maaga pa.

Yesterday morning, I planned to eat my breakfast inside the restaurant. Pero hindi natuloy kasi nakita ko silang dalawa na magkasabay kumain. Ang sakit lang kasing makita na ang saya-saya nilang dalawa habang kumakain.

At baka kung makita pa ako ng girlfriend niya baka hindi pa lang ako nakakapasok e' tatarayan na ako.

Iniisip ko ngayon kung paano mawala itong nararamdaman ko sakanya. Parang hirap e',  alam ko namang hindi basta-basta nawawala ang nararamdaman sa isang tao. Kasi kung gusto mong maka-move on darating at darating iyon sa tamang panahon.

Nakakatawa lang kasi, dahil pumunta ako rito sa isla para maka-move on. At ngayong naka-move on na kay Nick. Heto na naman ako at gusto na namang mag-move on. Dahil nagkagusto sa taong may nagmamay-ari na pala.

Ang malas ko talaga pag ang pag-ibig na ang pag-uusapan.

Sila mama at papa naman masaya ang pag-iibigan nila. Bakit kabaliktaran ata saakin. Bakit puro sakit nalang ang saakin. Wala ba akong karapatan magmahal at magsaya?

Magmamahal na nga lang ako. Doon pa talaga sa taong may girlfriend na.

It always bothered me. I want my feelings for him to fade immediately. I don't want to feel this second time of pain because of that word 'love'.

"Kanina ka pa tulala diyan Mikay," Narinig kong sabi ni Hera.

I bit my lower lip and sighed. Parang narinig ata nito ang malakas kong pagbuntong hininga dahil naramdaman kong umuga ang inuupuan kong couch.

Malapit lang kasi sa bintana ang couch kaya heto, malaya kong namamasdan ang kumikislap na malinaw na karagatan.

"Bakit parang matamlay ka ata ngayon Mikay? Ayos ka lang ba?"

Hindi ko siya sinagot at inabalang tignan. Naramdaman kong hinipo niya ang aking noo.

"Wala ka namang lagnat a'. Pero bakit matamlay ka?"

Hinarap ko siya. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. At ayaw ko namang mag-aalala siya saakin. I tried to smile but it failed when my tears started to fall.

Hindi ko na talaga kayang pigilan ang nangingilid kong mga luha. At tuluyan ng bumagsak lalo na't nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Hera.

"T-Teka a-anong—"

Niyakap ko siya bigla at napasubsob ang mukha ko sakanyalng leeg. Naramdaman ko ang marahan niyang paghagod saaking buhok. Alam kong nagtataka na siya ngayon sa inaasta ko. At hindi pa siya maka-tiyempo sa pagtanong dahil inalala niya pa ako.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon