CHAPTER 12

3.7K 50 0
                                    

PAGKATAPOS ng insidenteng iyon ay umalis na kami at pumunta sa room namin para makapagpahinga. Hindi na rin muna kami lumabas at nagpa-order na rin kami ng pagkain para sa pananghalian.

Alas dos y media na nang gumising si Hera. Akala ko yayayain ako nitong lumabas pero hindi pala.

"Medyo masakit ang katawan ko ngayon kaya dito muna ako." Saka nagkuha ng tuwalya at pumasok sa banyo para maligo.

Tinanguan ko nalang siya at binalik na ang atensyon sa librong binasa.

It's a love novel.

But it's kinda weird though. Kasi sa tuwing babasahin ko ang kwento iniisip ko na akong ang female lead tapos si Chester ang male lead. Hindi ko alam kung bakit pero iyan talaga ang nai-imagine ko.

Kaya hindi ako makapag-concentrate ng pagbabasa dahil siya talaga ang pumapasok sa isipan ko.

"Ano ba 'yan gusto ko lang naman magbasa. Bakit siya ang naiisip ko!"

Naaalala ko parin ang nangyari kanina. Ni hindi ko man lang namalayan na nandoon pala siya. Ni hindi ko nakita ang anino niya.

Nabigla nalang ako kanina nang sumigaw sila Hera at Eza. Hindi ko na nagawang lumingon sakanila dahil may bigla nalang yumakap saakin at pareho kaming bumagsak sa buhangin.

Saka ko lang napagtanto na si Chester pala ang lalaking yumakap sa'kin para iiwas sa bolang tatama sana saakin.

Ngunit nang magtagpo ang aming mga mata parang huminto ang oras at siya nalang ang aking nakikita. Para akong malulunod sakanyang asul na mga mata. Iyong tipong titig kalang para mahi-hypnotize ka talaga.

Sa tuwing nagkakasalubong o nakikita ko siya bigla nalang akong kinakabahan at bumibilis ang tibok ng aking puso. Sari-saring emosyon ang mararamdaman ko kapag presensya niya na ang aking makakaharap.

Is it because, of his intimidating aura that can make my knees shiver whenever he's around?

Siguro iyon nga.

IT'S ALREADY  late afternoon. Nandito ako nakaupo sa gilid ng dagat. Walang pakealam sa mga buhangin na nakadikit na saaking binti. Napapikit ako dahil sa hanging dumadampi saaking mukha. Nakalugay ang tuwid at mahaba kong buhok na sumasayaw dahil sa hangin. 

Naimulat ko lang ang aking mata nang may biglang nagsalita sa gilid ko. Hindi ko na kailangang lumingon dahil kilala ko na siya. Kahit kunti lang ang oras namin na noon na nag-uusap hindi ko na nakalimutan ang tinig nito.

"Are you alone?"

Binalingan ko siya saka binigyan ng 'What do you think' look. Kaya napailing nalang ito.

"I'm sorry, I asked an obvious question."

Napatawa naman ako sa sinabi ni Max. "Long time no see."

"Yeah," walang gana nitong sambit.

Umupo ito sa buhangin kagaya ko. Itinukod nito ang isang kamay sa likod at ang isang kamay nito ang nakalagay sa nakataas na mga tuhod. Nakapikit ito na tila ninanamnam ang hangin na dumadampi saaming balat.

Hindi ko muna siya inabalang kausapin. Ayaw ko namang disturbuhin siya. Parang malalim ang iniisip nito at hindi ko na inabalang magtanong.

"Have you ever been in love?" Basag niya sa katahimikan. Hindi parin ako nito inabalang tignan.

Dahil sa tanong na iyon napatingin ako sakanya. Pero gano'n parin posisyon nito.

Inlove? Of course na-inlove na. Nainlove na sa taong naging dahilan kung bakit ako nandito sa isla. Para makalimot. Para maghilom ang sugat sa puso.

Pait akong napangiti. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin ang tanong niya.

"Yes, and it was one of the best feeling I'd ever felt," nakangiting napatango ako habang naiisip ang masasayang ala-ala namin ni Nick noong mga panahon na masaya pa kaming nagsasama.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Where stories live. Discover now