CHAPTER 9

3.8K 55 0
                                    


HINDI ko talaga kabisado ang lugar kaya hindi ko na talaga alam kung saan na ako dinala ng aking mga paa. Napunta ako sa walang katao-taong bahagi ng bar. Muntikan na akong natumba buti nalang napahawak ako sa sementadong pader.

I want to vomit!

Napapikit akong kumapit sa sementong pader. Pinipigilan kong magsuka. Ayaw kong magkalat dito sa bar. May lasing lalaki na napadaan. Para itong manyak na tumatawa nang makita ako.

"Kung sinu-swerte nga naman oh," rinig kong usal nito.

Nilapitan ako ng lalaki saka hinawakan ako sa balikat. Mas mataas ito saakin pero kung titignan mo ay magkasing-edad lang kami ng lalaki. Pinipilit kong alisin ang kamay nito saaking balikat pero patawa-tawa itong binalik ang kamay saaking balikat.

Kung hindi lang ako lasing kanina ko pa sinipa ito!

Tinulak ko siya palayo sa'kin saka ako pasuray suray na naglakad. Napunta ako sa mga lalagyan ng mga inumin. May nakita akong naka tayong wine shelf. Nakadisplay ang mga bote ng mga mamahaling wines. Halatang mahal ito base na rin sa kinis paraan ng pagdisplay ng bote.

Hindi ko namalayan na sinundan pala ako nang lalaki. Hinawakan nito ulit ang aking balikat saka pinaharap sakanya.

"Miss, h'wag ka ngang bastos. Kinakausap pa kita tapos tatalikuran mo lang ako? Aba mali 'yon!"

Pinilit ko siya pinalayo saakin pero wala na akong lakas dahil na rin sa kalasingan ko.

Hilong-hilo na ako kaya napahawak ako saaking ulo. Naaamoy ko na rin ang alak ng lalaki saaking harapan kaya mas lalo akong nasusuka.

I heard him laugh. Parang tuwang-tuwa ito sa itsura ko. "Mag-isa ka lang ba Miss?" Tanong nito. "Gusto mo tulungan kita?" He continued.

"Let me go!" mahina at madiin kong saad saka napahawak ako saaking bibig.

Pero parang walang narinig ang lalaki at tawang-tawa pa rin. Mapupula na ang mata nito. Para itong adik na makikita mo sa mga palabas na anytime may gagawing masama saiyo.

Aakma sana ako nitong hawakan ng bigla nalang tumalsik si kuyang adik.

Yes, kuyang adik kasi mukha talaga siyang adik para sa'kin.

Napatingin ako sa lalaking sumuntok kay kuyang adik. It's no other than Chester.

How did he know na nandito ako?

Because of the sudden commotion happened. May napapahintong mga tao at nakikitingin sa pangyayaring naganap dito sa gawi namin. Ang kaninang walang tao ay medyo dumami na para makiisyuso.

Kwenilyuhan niya ang lasing na lalaki. Madilim ang mga mata ni Chester na nakatutok sa lasing na lalaki. Mababakas mo sa mukha ni Chester ang galit. Na parang anytime pwede niya nang mapatay ang lalaki.

Napahawak ako sa ulo ko. Hilong-hilo na talaga ako. Parang babagsak na ako kung kailan ko gusto.

"T-Tama na!" Pagpapatigil ko kay Chester.

Padarag niyang binitawan ang lalaking lasing. Kaya napaderitso ang lalaking lasing sa wine shelf. Muntikan ng matumba ang wine shelf. Buti nalang hindi natuloy. Makakabayad talaga kami dito pag oras na mabasag ang mga mamahalin wine.

Napatawa bigla si kuyang adik. Parang tuwang-tuwa pa talaga sa nangyari.

Adik talaga.

Wala namang nakakatawa do'n ah. Sinapian ba 'to ng multo? O' dahil sa kalasingan.

"Alam mo bang mamahalin itong mga wine? Sa oras na mabasag ito. Kagagawan mo 'yon," nakangisi niyang saad.

Walang emosyon ang mababakas sa mukha ni Chester. Parang wala talaga siyang pakealam sa sinasabi ni mamang adik.

Kung sakaling mabasag ang mga wine. Naku, saan ako kukuha ng pambayad.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon