CHAPTER 30

3.5K 45 0
                                    

MARIIN akong napapikit at napahawak saaking ulo nang biglang akong nahilo.

Kanina ko pa 'to nararamdaman. Kaya nga parang wala ako sa mood magtrabaho ngayon kasi parang masama ang aking pakiramdam.

Kaso ayaw ko namang um-absent. Kaya nagtrabaho nalang ako. Wala namang ibang masakit saakin. Aside sa bigla-bigla nalang ako nahihilo. Pero nawawala rin naman pagkatapos.

Ewan ko ba, parang ang tamlay-tamlay ko na kahit umaga pa lang. Maaga naman akong natutulog sa gabi pero gusto ko paring matulog sa umaga.

I suddenly yawned during working hours for Pete's sake!

May biglang humawak saaking balikat kaya napatingin ako kung sino iyon.

"Are you okay?" Stephanie worriedly asked.

She's wearing a white t-shirt. White pants at pinaresan ng white shoes. Naka pony tailed ang buhok nito. She's also wearing her eye glass.

She looked at me with so much concern written on her face.

Dahan-dahan akong tumango at hinawakan ang kamay niyang nakahawak saaking balikat. Saka kumawala ng malakas na buntong-hininga.

I smiled a bit to assure her that I'm fine.

"You sure? Kanina ko pa napapansin na parati mong hinihilot ang sintido mo." 

"Bigla-bigla nalang kasi sumasakit. But don't worry, I'm fine. Mawawala rin ito," saad ko.

"Okay...but if you need some rest you can freely go to my office. May kwarto doon, mas mabuting doon ka magpahinga."

Tumango ako saka siya ngitian.

"I will, pero promise. I'm okay, you have nothing to worry about. I just need to continue my work," sagot ko tinaas ang hawak kong clipboard folder.

Tumango naman ito.

"Sige."

Tinalikuran ko na siya para ipagpatuloy ko na ang aking ginagawa.

Nakakalimang hakbang pa lang ako nang bigla ulit akong nahilo. Nabitawan ko ang hawak-hawak kong clipboard folder saka bumagsak ako sa sahig.

"MIKAY!"

That was the last word I heard before I closed my eyes.

GUMALAW ako at naramdaman ko na sobrang lambot ng akong hinihigaan. Kaya dahan-dahan kong inimulat ang aking mata at ang puting kisame ang bumungad saakin.

Pinakiramdam ko ang aking sarili kung may masakit pa ba saakin. But there's none, kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

Biglang bumukas ang pinto at tumambad saakin ang nag-aalalang mukha ni Stephanie.

"Mikay! Oh my God! I'm glad you're already awake!"

Niyakap niya ako ng mahigpit at nang kinalas niya ang aming yakap ay saka niya ako pinagalitan.

"Bruha ka! Pinag-alala mo ako ng sobra!"

Alam ko. Kasi nababasa ko talaga sa mukha niya ngayon ang pag-aalala. She's my friend and it's normal na mag-alala siya saakin. Kung siya siguro ang nahimatay mag-alala rin ako sakanya.

"How are you? May masakit pa ba sa'yo? May kailangan ka ba? Uhm...are you hungry? M-May gusto ka bang kainin? Tell me! Kasi bibilhin ko." Sunod-sunod na tanong niya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaano sa kinikilos niya. Parang hinimatay lang tapos ganito na siya kung umasta pagkagising ko.

Mahina ko siyang tinawanan at napailing.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon