CHAPTER 8

3.7K 49 0
                                    

NAKARATING kami sa sinabing venue ni Levi. Para na rin itong pool party dahil may pool sa gilid. Maraming mga babaeng naka bikini. Akala ko normal na bar lang, hindi ko inaakala na para na itong pool party. Papasok pa lang namin marami na akong nakikitang magpares na abala sa pagme-make out. Iyong ibang papasok pa lang ay halata na sa mukha nila ang excitement.

The smell of alcohol and cigarettes in the air. I crunched my nose when the smell of cigarettes hit my nostril. Damn it! Mas nakakaya ko pa ang amoy ng alak kaysa sigarilyo. I'm a nurse for Pete's sake! And we all know that smoking is not good for health!

Ngayon lang ako nakakakita ng bar na may pool. Ang pool lang ang walang bubong and the rest is mayroon na. May makikita kang bar counter na maraming taong kumukuha ng mga wine. May nagd-dj rin sa stage at maraming sexy na mga babae na sumasayaw, mayroon ding nakabikini na sumasayaw. The music boomed like a thunder making some people go wild. Iyong iba, ine-enjoy ang pag-iinom sa kanilang upuan. Marami akong nakikitang mga lalaking foreigners 'Yong iba nakatopless pa talaga.

Ano ba talaga 'to? Pool party or bar.
Bagong pauso ba 'to?

Kinalabit ko si Hera saka malakas na binulungan, masyado kasing maingay kong hindi ko lalakasan ang pagbulong. "Akala ko ba bar party lang? hindi ko inaakalang parang pool party ito!"

"It's called Swim-up Bar sweetie. Saka huwag munang pansinin, magsaya nalang tayo!" She exclaimed saka ako hinila sa bar counter kaya nagpatianod nalang ako.

Umupo ako saka abala sa pagtingin tingin sa paligid. Masyadong maingay, abala sa pagsasayaw ang iba sa dance floor.

"Two glasses of margarita, please,"Hera ordered.

Naramdaman kong tinapik ni Hera ang aking balikat kaya nilingon ko siya.

She handed me a ladies drink. Napakunot noo ako. "Hindi ako umiinom, remember?"

I heard her 'tsked' and rolled her eyes. "So? It's your time to shine girl. Subukan mo, para naman ma-experience mo ang lasa nito," usal nito and handed me the margarita glass na may laman.

Tinanggap ko nalang ang binigay niya. Mayroon itong sliced lemon peel na nakadesinyo at mayroong asin na nakapalibot sa baba ng inumin. Ininom ko ito, it's taste was sour with a little saltiness. It tastes good, hindi ko akalain na makakainom ako nito.

I glanced at Hera's side. Binigyan ako nito nang nakakalokong tingin. "So, Anong lasa?"

Napatango ako. "Okay naman," I simply answered.

Naka-apat na glass na si Hera. Samantalang pangalawa pa lang ang sa'kin. Medyo nagiging wild na rin ang mga tao sa paligid. Todo sayaw na parang walang kapaguran.

"Mikay sayaw tayo!" Aya ni Hera sa'kin.

Napailing ako. "Maraming tao, babanggain lang tayo sa dancefloor. Saka ang sikip-sikip oh," dahilan ko.

"Hmp! Diyan ka na nga!" Tumalikod na ito saka nakisabay na sa mga tao sa pagsasayaw.

Binantayan ko lang ang pinsan ko nang bigla nalang itong nawala sa paningin ko. Kaya tumayo na ako at hinanap siya.

"Nasaan na ba 'yon?" I asked myself habang palinga-linga sa paligid.

Sa gilid ako dumaan habang ang mga mata ko ay nasa mga taong sumasayaw sa dancefloor. Nang bigla nalang may bumangga sa'kin kaya napaupo ako sa sahig.

Anak ng...

"Shit!" Rinig kong usal nito saka naglahad ng kamay saakin.

Bago ko tinanggap ang kamay nito. Matalim ko siyang tinignan. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil nandito kami sa medyo madalim na parte sa bar.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Where stories live. Discover now