CHAPTER 3

4.7K 69 1
                                    

PAPALUBOG ang araw  nang lumabas ako sa hotel. Naka-purple t-shirt lang ako saka nakamaong shorts na hindi masyadong maikli. Naka-messy bun ang maitim kong buhok.

Tanaw-tanaw ko ang karagatan at ang paglubog ng araw. Balak ko kasing manood ng sunset since matagal na rin akong hindi nakapanood ng sunsent. It's been a year na no'ng huli akong nanood ng sunset. At iyon ay ang second anniversary namin ni Nick.

He brought me to a resort just to celebrate our second anniversary. And I was so happy that time because watching the sunset is one of my favorite scenes. At hinding-hindi ako magsasawa sa pagtanaw ng papalubog ng araw.

Umupo ako sa buhangin habang tinanaw ang unti-unting paglubog ng araw. Umihip ang malamig na hangin. Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin saaking mukha kaya napapikit ako.

Ang paglubog ng araw ay simbolo na tapos na ang masaya o malungkot na pangyayari sa araw na ito. At ang pagsulpot ng magandang buwan at ang mga bituin naman ang makakasaksi sa pangyayari na mangyayari ngayong gabi.

Matapos kung manood ng sunset tumayo na ako at pinagpagan ang pwetan ko.

Kung bakit ba kasi umupo sa buhangin, Mikay!

Mabagal kong nilakad ang cabin na tinutuluyan namin. May nakikita pa akong magkasintahan na magkahawak ang kamay at masayang naglalakad sa dalampasigan. Mga titig pa lang nila sa isa't-isa nagpapahiwatig na mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa.

Kung hindi kami naghiwalay ni Nick. Kung hindi ko nadatnan iyong pangyayari sa condo niya. Ganyan kaya kami?

I sighed.

Masyadong malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan na muntik na pala akong mabangga ng isang lalaki.

Napangsinghap ako. Mataas siya saakin kaya hindi ko nakita ang mukha. Inangat ko ang mukha ko para makita ko kung sino itong lalaking muntikan ko nang makabangga.

Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko kung sino iyon.

"It's you again. Ang babaeng baliktad kung magbasa ng libro," he grinned.

Napanting ang tainga ko sa sinabi niya kaya tinaliman ko siya ng tingin.

"Oh, it's you again Mr..." I paused. Mariin akong napapikit dahil hindi ko gustong banggitin ang pangalan niya. "Whatever!"

Walangyang lalaking 'to. Gwapo sana kaso...

Argh!! Nevermind.

And wait? Gwapo? Myghad, he's not handsome. Binabawi ko na ang sinabi ko na gwapo siya. Kasi ang totoo hindi siya gwapo! As in HINDI!

Tatalikuran ko na sana siya ngunit bigla itong nagsalita dahilan para lalong uminit ang ulo ko sakanya.

"Hindi ba pinapanood mo ako habang nagpupunas kanina? May bayad ang panunuod Miss. Lalo na't isang gwapong bumaba sa langit ang napanood mo kanina."

What the hell! Where did he get that confidence!

Ito ba? Ito ba ang sinabi ni Herasol na cold o masungit na CEO? Tangina!

Ibang Chester ata 'tong nakasalamuha ko ngayon. Baka impostor ito!

Humagalpak ako ng tawa. "Grabe ka naman, ganyan ka ba talaga? Grabe, wala na. May panalo na," tumatawa at umiiling kong saad. "May nanalo na sa pagiging assumero."

"Bakit? Hindi ba totoo?"

"Hindi!"

He closed the space between us. Pero hindi ko inabalang umatras. Hinding-hindi niya ako matatakot!

Tinignan ako nito, kaya napatingin rin ako sakanya. The way he stares at me I feel like I'm drowning. Those blue eyes...Nakakaakit. I want to touch his eyes.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon